top of page
RUN WILD - “I AM A GOOD PERSON. NO ONE CAN TAKE THAT AWAY” - ALDEN_IG _aldenrichards02.jpe

Gets mo, Xian Gaza? OGIE, IPINAGSIGAWANG ‘DI BAYAD ANG PAGTATANGGOL KAY ALDEN

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
4 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 27, 2026



TALKIES - OGIE, IPINAGSIGAWANG ‘DI BAYAD ANG PAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Ogie Diaz & Alden Richards

Photo: FB Ogie Diaz & Alden Richards



Nagpahayag ng suporta ang talent manager na si Ogie Diaz kay Alden Richards sa kanyang social media post sa gitna ng mga alegasyon ni Xian Gaza tungkol sa isang condo at mga relong hindi umano naibalik ng aktor sa mga kaibigang mayamang mag-asawa.


Kinuwestiyon din niya kung bakit hindi idinaan sa tamang proseso ang usapin.

“Nagtataka lang ako. Bakit kailangang pabanatan si Alden Richards dahil hindi nila mabawi sa aktor ang condo at mga relo?


“Kung totoo lahat ang paratang, bakit ‘di kayang bawiin? Dahil du’n pa rin ba nakatira si Alden hanggang ngayon?


“May CCTV naman ‘yung may-ari ng condo, na-check ba n’ya kung ano’ng year huling tumuntong du’n si Alden?


“Kanya ang condo, s’ya ang may-ari. ‘Di pala nagsosoli ng mga relo, eh, bakit ‘di mo idemanda? So para mabawi mo ‘yung condo, kailangan mong pabanatan sa ibang tao si Alden na itinuring kang pamilya?


“Ba’t ‘di itanong ng may-ari ng condo sa sarili n’ya kung bakit naputol o pinutol ni Alden ang pagturing sa kanila bilang kapamilya? Si Alden ang tipong marunong tumanaw ng utang na loob at ‘di nang-iiwan sa mga taong nakasama n’ya nu’ng simula ng kanyang career. Marami pang natutulungan, na sa ibang tao mo na lang nalalaman.


“Maraming negosyo si Alden; ilan ang bahay, ilan ang condo—so ba’t naman n’ya aangkinin ang condo na ‘di naman kanya at ayaw pa n’yang umalis du’n talaga, huh! Hahahaha!

“Kaya pansinin n’yo, ipinu-push na nila ang paninira kay Alden, dahil ang mga netizens ay dudang-duda rin sa motibo ng paninira.


“Anyway, baka ‘yung iba, nakataas ang kilay kung bakit ko dinedepensahan si Alden, ha? Walang kalaban-laban, ‘di lang kumikibo, pero pinanggigigilan.


“‘Di po ito bayad,” pahayag ni Ogie.


In fairness, kilala ni yours truly si Alden at yes, mabait at marespeto talaga ang aktor. Kaya bago humusga, mag-esep-esep munang mabuti at timbangin ang bawat panig. 

‘Yun na!





ISANG malaking karangalan para kay Chris Cahilig, ang bagong manager ng aktres na si Bea Alonzo, ang pagkapanalo bilang Darling of the Press sa katatapos na Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) Star Awards for Movies.


Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Chris sa buong PMPC at sa lahat ng sumuporta sa kanya sa industriya.


Ani Chris, “DARLING OF THE PRESS!


“Una sa lahat, maraming salamat sa buong PMPC! Napakahaba na ng ating pinagsamahan, at ang parangal na ‘to ay ‘di lamang pagkilala sa aking trabaho, kundi patunay rin ng ating malalim at matibay na pagkakaibigan. Sa lahat ng miyembro ng PMPC, noon at ngayon, taos-puso akong nagpapasalamat.


“Nu’ng college ako, lagi kong pinapanood sa TV ang Star Awards for Movies. At lagi akong curious—ano nga ba ang pakiramdam na maging Darling of the Press?


“Sa mahabang panahon ng aking career sa public relations, aaminin kong ilang beses ko ring pinangarap ang tropeong ‘to. At ngayong hawak ko na, mas matamis pala talaga ang isang pangarap ‘pag matagal mo ‘tong hinintay.


“Maraming salamat sa aking Insight 360, Sphere, Radar.ph, at Wishbone families sa patuloy na suporta.


“Kay Vincent Co ng Puregold at Bea Alonzo, salamat sa tiwala sa aking kakayahan. Kay Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Jenny, at Lyle, na kasama ko sa hirap at ginhawa, salamat sa pagsuporta sa aking mga proyekto at adbokasiya.


“Sa aking pamilya, lalo na sa aking mga magulang na sina Papa Ananias at Nanay Sylvia, salamat sa pagtuturo sa ‘kin na sa lahat ng tagumpay na maaari nating marating, ang pagiging mabuting tao pa rin ang pinakamataas na karangalan.


“At s’yempre, sa aking kabiyak na si Archie Rivas, salamat sa pagmamahal at sa pagiging katuwang ko sa lahat. Babe, ikaw ang darling ng Darling of the Press!

“Muli, PMPC, maraming salamat. I will always treasure this honor!”


Congratulations, Chris, at sa darling ng Darling of the Press na si Archie Rivas.





SUNUD-SUNOD ang biyayang dumarating sa singer na si Debbie Lopez, na kilala bilang The Radiance Icon ng OPM.


Matapos magwagi bilang New Recording Artist of the Year sa 17th Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) Star Awards for Music, kinilala rin siya bilang October 2026 Indie Artist of the Month ng Escape Radio 2.0 sa USA.


Nakamit ni Debbie ang pagkilalang ito sa pamamagitan ng kanyang kantang Tindog, na nakakuha ng pinakamataas na boto mula sa mga tagapakinig matapos makipagsabayan sa limang iba pang independent artists sa naturang international radio station.


Masayang ibinahagi ni Debbie sa social media ang kanyang pagkapanalo at nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya.


Ani Debbie, “WE WON! at the Escape Radio 2.0 USA. From the bottom of my heart, THANK YOU so much to everyone who took the time to vote and support Tindog! This victory belongs to all of us. Maraming-maraming salamat sa inyong pagmamahal!”


Mapapakinggan na rin sa iba’t ibang major streaming platforms ang latest single ni Debbie na Tindog, na hango sa kanyang personal na karanasan, partikular sa pagbitaw niya sa kanyang first love matapos ang 27 taon.


Dahil tuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang singing career, may dalawang magkasunod na concerts na nakatakdang ganapin si Debbie.


Una na rito ang kanyang concert sa December 6 sa Viva Cafe, habang sa December 11 naman ay magiging special guest siya sa concert ng singer na si Richard Reynoso sa Teatrino Greenhills Promenade.


“So honored to be one of the special guests for Richard Reynoso’s concert this coming December 11, 2026, at Teatrino Greenhills Promenade!” pahayag ni Debbie.

Isang malaking congratulations kay Ms. Debbie Lopez. Deserve na deserve ang tagumpay na ito.


‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page