top of page
RUN WILD - “I AM A GOOD PERSON. NO ONE CAN TAKE THAT AWAY” - ALDEN_IG _aldenrichards02.jpe

7 months na raw ang tiyan… SARAH, MANGANGANAK NA LANG, ‘DI PA RIN UMAAMING BUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
39 minutes ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 27, 2026



TEKA NGA - SARAH, MANGANGANAK NA LANG, ‘DI PA RIN UMAAMING BUNTIS_IG _justsarahgph

Photo: IG _justsarahgph



Tiyak na lalong magiging masaya sa darating na Pasko sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil sa balitang magkaka-baby na nga ang mag-asawa.


Although hindi direktang inamin ni Sarah ang kanyang pagbubuntis, marami sa malalapit niyang kaibigan ang nagsasabing sa December ang kanyang due date. 

So, seven months preggy na pala ngayon ang Popstar Royalty.


Sa ngayon ay wala pang gender reveal sina Sarah at Matteo. Maging sa social media ay wala rin silang paramdam tungkol sa kanilang anak. Hangga’t maaari ay ayaw nilang ilantad sa publiko ang mga bagay na may kinalaman sa pagbubuntis ni Sarah. 


So far, nakikita naman ng lahat ang masayang buhay na tinatamasa ngayon ng Popstar Royalty sa piling ni Matteo. Nagpahinga man siya pansamantala sa kanyang showbiz career, ang kapalit naman nito ay ang pagbuo ng sariling pamilya.


Deserve naman ni Sarah na maranasan ang pagiging isang ina.





Kahit Hall of Famer na…

GOV. VILMA, ‘DI PA FEEL MAG-GOODBYE SHOWBIZ



NANG tanggapin ang kanyang Hall of Fame Award sa ginanap na 42nd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies, nagbitaw ng pahayag ang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos-Recto na hindi pa siya magreretiro sa showbiz kahit na na-elevate na siya sa Hall of Fame.


Sampung Best Actress awards na ang kanyang napanalunan sa PMPC, kaya ginawaran na siya ng karangalan.


Sabi nga ni Ate Vi, malakas pa naman siya at gusto pa rin niyang umarte. Marami pa siyang roles na gustong gampanan. At hangga’t naririyan pa ang mga Vilmanians na nagmamahal at sumusuporta sa kanya, hindi pa niya iiwanan ang showbiz.


Marami sa ating magagaling na artista ay hindi tinatalikuran ang kanilang career kahit na mga senior na. Iba pa rin ang fulfillment at kaligayahang kanilang nadarama kapag umaarte sa harap ng kamera at patuloy na nakapagpapasaya ng kanilang mga fans.



SA hanay ng mga young actresses ngayon, lutang na lutang ang husay ni Maris Racal. Nabigyan siya ng magagandang projects tulad ng pelikulang Sunshine, na umani ng papuri mula sa mga movie critics.


Sa katatapos na 42nd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies, nanalong Best Actress si Maris Racal via her movie Sunshine. Tie sila ng Diamond Star na si Maricel Soriano, na markado ang role sa pelikulang Meet, Greet & Bye.


Well, para pantayan ni Maris ang husay ng isang iconic actress na tulad ni Maricel, nangangahulugan lamang na talagang may ibubuga siya sa pag-arte. At kinilala ito ng kanyang mga direktor at mga artistang nakatrabaho niya.


Habang tumatagal ay lalong nahahasa sa pag-arte si Maris. Kayang-kaya niyang makipagsabayan sa mahuhusay na artista ngayon, at malayo pa ang kanyang mararating.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page