top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Villa nila ni Ion, nawasak… VICE AT ION, INABUTAN NG BAGYONG ULYSSES SA BALESIN, NA-TRAUMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2020
2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | November 13, 2020




Naalarma ang mga fans ng It's Showtime host na si Vice Ganda sa ipinost niyang mensahe sa kanyang Twitter account kahapon sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Eto ang tweet ni Vice around past-midnight habang papasok ng bansa ang bagyong Ulysses at may paramdam na malakas na ugong ng hangin at ulan: "Nakakatakot na dito! Lord God please keep us all safe (praying hands emoji)."

Ang "dito" na tinutukoy ni Vice ay ang Balesin island na na-reveal sa sumunod na tweet niya.

Duda ng mga fans and followers ni Vice, kasama niya that time ang boyfriend at kasamahan sa It's Showtime na si Ion Perez.

Sa sumunod na tweet ni Vice ay mas naging klaro ang dahilan ng pangamba ni Vice.

"Last night was ‘delubyo’ levels here in Balesin. Needed to evacuate our villa dahil nawasak na 'yung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin.


"'Yung pinaglipatan naman namin, nawalan ng kuryente & water supply, so lumikas kami ulit. Medyo kalmado na ngayon. Salamat sa Diyos!"

Sa kabila ng pag-aalala ng mga fans ni Vice, sadyang may mga bashers pa rin ang ayaw tantanan ang Unkabogable Star.

Gaya nito, "Eh, kasi naman, alam nang may parating na bagyo, sige pa sa lamyerda! Tapos ngayon, akala mo naman, katulad ng mga sinalanta kung makapagsalita!"

At eto pa, "Nagdedelubyo na d'yan, sana 'di rin kayo gumawa, ha? Charot! HAHAHAHAHHAHAHA."

Posibleng sa Balesin pinili nina Vice at Ion na mag-celebrate ng kanilang second anniversary.

Last October 25 ang araw ng mismong anniversary nina Vice at Ion. Gumawa pa sila ng vlog para sa kanilang anibersaryo para sa YouTube channel ni Vice habang nasa Enchanted Kingdom sila.

And para sa "alone time" na celebration nina Vice at Ion, pinili nila ang Balesin island. Hopefully, ayos na ang kalagayan nina Vice at Ion by this time. Nakabalik na nawa sila sa Manila at aapir na sa It's Showtime.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page