top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Vietnam, bibisitahin ni P-BBM

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 19, 2022



Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakatakda siyang bumisita sa Vietnam, matapos ang imbitasyon sa kanya ni President Nguyen Xuan Phuc sa ginanap na sidelines ng APEC Economic Leaders’ Meeting sa Bangkok, Thailand.


Sa pakikipag-usap kay Pangulong Marcos, inilarawan ni Phuc, batay sa local language nito, ang dalawang bansa bilang mga “strategic partners” na maaaring mayroong aniya, “many issues to discuss.”


“I cannot say no. I will in principle accept your very kind invitation. We will just stay in contact so that we can decide on the date,” tugon ni Pangulong Marcos kay Phuc.


“I will ask our foreign secretary to stay in touch with his counterpart, and also your staff in the Vietnamese Embassy,” dagdag ng Chief Executive.


Una nang tinanggap ni P-BBM ang imbitasyon ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh para sa isang state visit sa Vietnam, ayon sa Office of the Press Secretary noong nakaraang linggo, na parehong lider ng bansa ay dumalo sa ASEAN Summit sa Cambodia.


Dumating si Pangulong Marcos kasama si First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos sa Bangkok nitong Miyerkules ng gabi, kung saan mayroong nasa 6 na bilateral meetings na kanyang isasagawa, kabilang ang isa sa Saudi Arabia at sa France nitong Biyernes.


Nitong Huwebes ng hapon, na-meet na ni P-BBM si Chinese President Xi Jinping na aniya, higit na makilala ang isa’t isa ang kanilang naging usapan habang bahagyang natalakay ang tungkol sa mga regional issues.


Batay sa report, sa ginanap na meeting, sinabi ni Xi na ang dalawang bansa ay dapat na manatili sa aniya, “friendly consultations” sa pagtalakay sa mga isyu kaugnay sa South China Sea.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page