top of page
Search
BULGAR

Video kumalat, Sarah… RICHARD AT BARBIE, PAREHONG NASA ITALY

ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 28, 2024



Showbiz News

Nagkita sa Italy sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial. Sumunod kaya si Barbie roon o pinasunod ni Richard?


Hindi agad bumalik ng Pilipinas ang aktor pagkatapos ng Cycle 2 taping ng Incognito. Parang si Daniel Padilla lang ang bumalik ng bansa at sina Richard, Maris Racal at Anthony Jennings ay namasyal muna.


Sa first post pa lang ni Barbie na nasa Italy siya, hula agad ng mga netizens na magkikita sila ni Richard dahil nga hindi agad bumalik ng bansa ang aktor. Saka, ano raw ang gagawin ni Barbie sa Italy kung hindi makikipagkita kay Richard.


Nakunan ng video at nai-post ang reels ng pagkikita-kita nina Anthony, Maris at Richard na kasama na si Barbie. Sabay-sabay na siguro silang babalik ng Pilipinas at maganda sana kung may makapag-interbyu kina Barbie at Richard para lang kumustahin sila at kung ano ang ginawa nila sa Italy.


Samantala, nag-comment pala ng emojis si Raymond Gutierrez (kakambal ni Richard) sa post ni Barbie na nasa Italy siya at may fan na nagtanong kung gusto ba ni Mond si Barbie for his twin? Hindi nga lang sumagot si Mond at mukhang hindi talaga ito sasagot sa pang-iintriga ng nagtanong.


 

Pagmamahal sa ina niyang isang guro at pagmamahal sa mga guro ang isa sa mga rason ni Gabby Concepcion kung bakit every year, present siya sa Gabay Guro (GG). 


Kahit siguro may trabaho ang aktor, gagawa ng paraan para makadalo sa event ng GG na taun-taon, may tribute sa mga teachers.


“Iniisip ko na parang pamilya ko ang mga teachers, parang kilala ko sila kahit ‘di ko sila kilala. Dahil ito sa mom ko na isa ring teacher, malapit ako sa mga teachers at nagpapasalamat ako sa Gabay Guro na iniimbita nila ako every year. Chance ko ‘yun to meet them and sing for them,” sabi ni Gabby.


Naikuwento nga ni Ms. Chaye Cabal-Revilla na may isang teachers' event sa province na akala nila ay hindi makakapunta si Gabby dahil nabagsakan ng baso ang paa nito at sa paa niya nabasag ang baso kaya nasugatan at naospital.


Pero, dumating pa rin si Gabby, considering na hindi maayos ang paglalakad, kumanta pa at bumaba sa stage para malapitan siya ng mga teachers. Bumilib sa aktor si Ms. Chaye at ang mga taga-Gabay Guro.


Pasalamat si Gabby na this year’s Gabay Guro ay nasa bansa pa siya at hindi pa nakakaalis para sa series of shows nila ni Sharon Cuneta sa US at Canada. 


Sa September 29 (Sunday) sa Meralco Theater ang selebrasyon ng National Teachers’ Month at World Teachers Day. Kasunod nito ang Gabay Guro Wellness Fest sa October 6, 2024 (Sunday) sa Ynares Sports Arena sa Shaw Boulevard, Pasig City kung saan magsu-zumba ang mga guro at marami pang activities.


Dahil kasama rin si Sharon sa performers sa Sept. 29, magkikita sila ni Gabby at muling pakikiligin ang mga fans. 


Every year, inire-request sa kanila na kantahin nila ang Come What May na parang national anthem ng mga ShaGab (Sharon at Gabby) fans.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page