top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Video kumalat… RICHARD AT BARBIE, HULI SA BAR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2024
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | January 8, 2024




"Friendly date lang siguro," ang reaksiyon ng mga nagkukuwento sa amin sa naging sighting kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial last January 6 sa isang bar (gastropub) sa may Westgate, Alabang, Muntinlupa.

 

May mga naglabasan na ring video na kuha diumano sa naturang lugar habang may mga nagkukuwento ngang tila nagkakapalagayang-loob ang dalawa kasama ang mga common friends nila.

 

"Wala namang masama sa sighting na ‘yan. They were with friends in a public place or in an exclusive venue with friends. Or baka naman nagkita lang du’n or what," hirit pa ng mga nagkukuwento sa amin.

 

First time naming narinig ang ganitong tsika dahil hindi naman nabalita kahit kailan sa showbiz na magkakilala o magkaibigan pala sina Chard at Barbie.

 

Malalaman natin ang buong kuwento soon, mga Ka-BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page