Video, kumalat na, Coco… ALDEN AT JULIA, GIGIL NA GIGIL SA LAPLAPAN
- BULGAR
- Aug 29, 2023
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 29, 2023

Patulog na kami kahapon nang madaling-araw nang madaanan namin ang TikTok video na ipinost ni Direk Antoinette Jadaone. Bigla kaming nagising dahil laplapan nina Alden Richards at Julia Montes ang laman nito.
Kitang-kita sa video na gigil na gigil sina Alden at Julia sa isa’t isa at sa pagkakatanda namin ay unang beses itong ginawa ng dalawa sa buong karera nila sa showbiz dahil nakilala naman silang wholesome ang imahe pareho.
Kaya gulat na gulat talaga kami, eh, di lalo na siguro ang makakapanood nito?
Eksena ito sa pelikulang Five Break-Ups and a Romance na idinirek ni Irene Emma Villamor na ipinakita niya kay Direk Tonette, na ipinost naman nito sa TikTok nitong Linggo, Agosto 27.
Aniya, “Direk Ayrin (Irene) shared with me their trailer for Five Break-Ups and a Romance & just had to share this part, gulat me!”
Nagpaalam naman daw si Direk Tonette sa kapwa niya direktor na ipo-post ito at ‘yun nga, marami na ang nakapanood sa video.
Bigla tuloy naming naalala ang panayam namin noon kina Alden at Julia sa storycon na ginanap sa B Hotel, Quezon City noong Abril 18, 2023 na matindi raw talaga ang mga eksena nila bilang magdyowa.
“Dirty movie o f*ck love,” ang paglalarawan ng dalawa sa mga eksenang gagawin nila at hindi naman sila nag-hesitate na tanggapin ito dahil hindi naman na sila mga bagets para magpa-cute.
Si Alden ay si Lance Sandoval at Jusinte naman ang karakter ni Julia na sobra silang in love sa isa’t isa, pero alam nila kung hanggang saan lang ang pagmamahal nila at kung kailangan na itong itigil, kaya Five Break-Ups and a Romance ang titulo.
Sabi ni Julia noon, “In this film, we’ll try to answer how you can balance career and love. With love, we don’t know when and how to stop.”
“Na-excite ako to be paired with Julia. Isa siya sa mga leading ladies so far, by far, na unang meeting pa lang, wala nang pretensions. Naramdaman mo na ‘yung sincerity,” sabi naman ni Alden.
Anyway, maingat naman si Direk Irene sa mga eksena dahil ilang beses na rin naming napanood ang mga pelikulang nagawa niyang may matitindi ring love scenes at pangako rin naman niya ito sa dalawa na iingatan sila. Kaya lang, paghandaan din nina Alden at Julia ang mga hinihingi ng istorya.
Hmmm, mukhang malapit nang mapanood ang Five Break-Ups and a Romance, kasi may mga patikim-tikim nang pasilip sa teaser, plus may photo shoot na ring ipinost si Julia sa kanyang Instagram account kamakailan lang.
Ang tanong ng mga taga-Batang Quiapo ay kung ano kaya ang reaksiyon ni Coco Martin sa mga eksenang ito ni Julia na siyang tunay na ‘Mokang’ ng buhay niya?
Ang Five Break-Ups and a Romance ay produced ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, and MYRIAD Corporation na production company ni Alden.

Nag-uumapaw ang saya ng mga nanalo sa nakaraang 39th LUNA AWARDS, lalo na si Heaven Peralejo na siyang nag-uwi ng Best Actress trophy para sa pelikulang Nanahimik ang Gabi na isinali sa Metro Manila Film Festival noong 2022.
Kabilang din dito ang bumubuo ng pelikulang Family Matters dahil sila ang nanalong Best Picture.
Ang list ng mga winners:
BEST PICTURE — Family Matters (Cineko Productions, Inc.)
BEST DIRECTOR — Mikhail Red (Deleter)
BEST ACTOR — Noel Trinidad (Family Matters)
BEST ACTRESS — Heaven Peralejo (Nanahimik ang Gabi)
BEST SUPPORTING ACTOR — John Arcilla (Reroute)
BEST SUPPORTING ACTRESS — Mylene Dizon (Family Matters)
BEST SCREENPLAY — Martika Ramirez Escobar (Leonor Will Never Die)
BEST CINEMATOGRAPHY — Carlos Mauricio (Leonor Will Never Die)
BEST PRODUCTION DESIGN — Elfren Vibar (Family Matters)
BEST EDITING — Lawrence Ang (Leonor Will Never Die)
BEST MUSICAL SCORING — Jazz Nicolas & Mikey Amistoso (Blue Room)
BEST SOUND DESIGN — Andrea Idioma (Nanahimik ang Gabi)
SPECIAL AWARDS:
Golden Reel Award — Sen. Imee Marcos (accepted by her cousin, Eliza Valtos)
FPJ Lifetime Achievement Award — Leo Martinez
Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements — Ricky Lee, National Artist
Lamberto Avellana Memorial Award — Conrado Baltazar
Ang 39th Luna Awards ay line-produced ng RR Entertainment.
Comments