Video, kalat na… BARBIE AT JAMESON, NAGYAKAPAN SA PARKING LOT
- BULGAR

- Aug 1
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 1, 2025
Photo: Jameson Blake at Barbie Forteza - IG
May nakakita kina Jameson Blake at Barbie Forteza na very sweet sa parking lot after ng premiere night ng P77 ng Kapuso actress.
Pansin ng mga netizens, "Patakbo at ang higpit pa ng yakap ni Barbara, sila na ‘yan."
"Parang barkada vibes lang, ‘yung comfy kayo in your friendship."
"I feel like friends lang sila.”
"Parang ang bait na guy BFF ni Jameson."
"Ehhh. ‘Pag BF-GF, usually walang patakbo. Lol!"
"Promo. And mukhang mas effort si Barbie than the guy."
"Barbie, ang promo girl ng Siyete."
"Bagay naman sila pero mukhang ‘di type ni boy si girl."
"Parang based sa body language, they might be sweet but it’s not the romantic kind."
"Ganyan din naman siya kina Alden at David. Friends lang ‘yan, ma-hug lang talaga si Barbie, pero trabaho lang, walang personalan."
"Honestly, hindi sila bagay, si Barbie, grabe maka-angkla for the promo. Cringe talaga si girl."
MULI naming nakadaupang-palad ang mabait na Pop Rock Diva na si Rozz Daniels after niyang dumalaw sa ‘Pinas kung saan dito siya nag-spend ng Christmas Day.
At nitong March 21 ay bumalik siya ng ‘Pinas at mag-i-stay for good na silang mag-asawa rito sa bansa.
American citizen kasi ang husband ni Rozz na si David Daniels.
Nakapanayam namin kahit panandalian ang singer at ipinaalam niyang, "Nag-retire kaming mag-asawa.”
Ayon kay Rozz, ibig daw ni David na dito nila ilaan sa ‘Pinas ang kanilang pagreretiro.
Tutal naman daw ay pareho na silang retired sa America kaya mamarapatin naman nila na i-enjoy ang benepisyong nakuha nila sa pagre-retire.
Katunayan, nakapagpundar na sila ng tirahan sa Nuvali at maging ng sarili nilang sasakyan.
May apat na anak sina Rozz at David na nasa America pa rin.
Bibisita na lang daw sila sa US minsan sa isang taon upang dalawin ang mga anak na nakabase sa Amerika.
Kuwento ng Rock Diva, “Nandoon sila, may kani-kanyang trabaho, ‘yung bunso ko, may anak na, I have an eleven-year-old grandson.”
Tanggap daw ng mga anak nila na sa ‘Pinas na sila maninirahan ni David.
“Gusto nila, kasi alam nila na bumabalik ako dito para lang kumanta, eh. So gusto nila na i-pursue ko ‘yung career ko rito talaga.”
Ang mister ni Rozz na si David ang may gusto na sa Pilipinas sila mag-retire.
"Very supportive siya sa singing career ko. Gusto niya i-pursue ko na ito tuluy-tuloy.
“Tapos para maging malapit ako sa kapatid ko dahil wala na ang mama namin so ako na ang mag-aalaga sa kapatid ko.”
Tama naman ang mag-asawa na walang mangyayari sa singing career ni Rozz kung ang pagiging visible lang niya sa press ay kapag may mga kantang ipo-promote.
Iba rin daw kasi na nakikita ang kanyang presensiya, hindi ‘yung now you see,
now you don't.
“Korek, oo! Kasi limited lang ‘yung ano ko, ‘di ba? Uwi ko dito four to five weeks lang, tapos uuwi na naman ako sa Amerika.
“Magre-record ako, mapuputol, hindi matatapos.”
Sa ngayon ay hindi na nag-aalinlangan si Rozz na ipagpatuloy ang kanyang singing career. Tuluy-tuloy na ito at wala nang urungan pa.
Malapit nang i-release ang revival song niya na Ibang-Iba Ka Na na originally ay si Renz Verano ang kumanta.
May gagawin din siyang isa pang revival song under the helm of Doc Mon del Rosario, ang mga gumawa ng mga sikat na awitin noon ni Imelda Papin.
Dalawang kanta ang nakatakda niyang gawin under Doc Mon, ang isa ay original Christmas song, at ang isa ay revival ng Bulong ng Damdamin noong 1982.
Oks lang sa ‘yo, Sarah?
BARBIE, KASUNDO ANG BUNSO NI RICHARD
MARAMI talaga ang hindi naniniwala na hiwalay na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.
Kamakailan kasi ay muling naispatan ang celebrity couple na magkasama, together with Chard's youngest son na si Kai.
Kumalat ang kuhang video sa social media kung saan naglalakad ang tatlo sa isang parking lot.
Tila magkasundo sina Barbie at Kai habang naglalakad dahil nakaakbay pa ang aktres sa bata.
Kaya lang, may mga netizens pa ring namba-bash at ‘di pabor kay Barbie para kay Richard.
Sey ng isa, "Kung ako nanay n’yan, ‘di ako papayag na ipasama ‘yung bata sa ‘di naman niya nanay lalo na at ‘yan pa nanira ng relasyon ng mag-asawa."
May mga nagsasabi namang mukhang seryoso si Richard kay Barbie dahil naipakilala na pala niya ang GF sa bunsong si Kai.
Eh, ang panganay kaya ni Chard na si Zion, nakilala na rin kaya si Barbie?










Comments