Video, ipinost sa socmed... Ka-live-in binubugbog, pulis sibak

ni BRT @News | October 22, 2026

Photo: Circulated / GMA
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act (RA 9262) ang isang pulis sa Pasay City dahil sa paulit-ulit na pananakit umano sa kanyang live-in partner mula pa noong 2022.
Nag-post ang biktima ng CCTV footage na nagpapakita ng pananakit, kabilang ang insidenteng karga pa niya ang kanilang anak. Ayon sa babae, madalas itong mangyari kapag lasing ang pulis.
Humingi na rin ng protection order ang biktima.
Samantala, ayon sa mga awtoridad, sinibak na sa puwesto ang nasabing pulis.





Comments