top of page

Nagtampo na nawala ang It's Showtime dahil sa Eat… Bulaga! VICE, TUMANGGING MAG-JUDGE SA PGT DAHIL SA TV5 IPAPALABAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 22, 2025



Photo: Vice Ganda - IG


Kung si Eugene Domingo ay todo-pasalamat kay Kathryn Bernardo dahil inirekomenda siya bilang isa sa mga judges ng PGT Season 7, may tsika naman na diumano ay inalok si Vice Ganda na maging judge sa PGT pero tinanggihan daw niya ito nang malaman na sa TV5 ipapalabas ang talent show.


May tampo raw sa Kapatid Network si Vice Ganda dahil sa issue noon ng It's Showtime na nawala sa network nang pumasok ang Eat… Bulaga!. 


Nang makipag-usap daw ang pamunuan ng It's Showtime sa TV5 ay sa afternoon slot gustong ilagay ang show bago ang kay Willie Revillame. Kaya, medyo na-hurt daw si Vice Ganda. 


Well, si Eugene Domingo na nga ang ipinalit kay Vice Ganda bilang judge ng PGT.


 

MASAYA at star-studded ang Thanksgiving Party ng GMA Network na dinaluhan ng mga Kapuso stars! Ginanap ito sa Makati Shangri-La at ang theme ng selebrasyon ay Denim and Diamonds. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng 75th anniversary ng GMA Network at pag-alala sa makulay at maningning na kasaysayan ng GMA sa loob ng mahigit pitong dekada.


Sa nasabing event ay pinarangalan din ang ilang Kapuso artists tulad nina Barbie Forteza (Kapuso Female Heartthrob), Alden Richards (Kapuso Male Heartthrob), Marian Rivera (Female Lodi) at Dennis Trillo (Male Lodi).

Sina Jillian Ward (Ms. Congeniality) at Michael V. (Mr. Congeniality) ay tumanggap din ng award. 


Tinanghal naman na Male Star of the Night si Boy Abunda at Female Star of the Night sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro.


Ang Kapuso Loyalty Award ay ipinagkaloob naman kina Mel Tiangco, Jessica Soho, Arnold Clavio, Dingdong Dantes, Michael V., Susan  Enriquez at Gabby Eigenmann.


 

NAG-AANYAYA si Ms. Boots Anson-Rodrigo at Rez Cortez sa lahat ng miyembro ng MOWELFUND (Movie Workers Welfare Foundation) upang dumalo at makiisa sa 51st anniversary ng foundation na gaganapin ngayon sa UP Bahay Alumni, 1 to 6 PM. 


Magkakaroon ng munting program at may libreng medical service para sa mga miyembrong dadalo. 


Sina Dingdong Dantes at Alden Richards ay kabilang sa Board of Trustees ng MOWELFUND kaya aktibo sila sa mga fundraising projects ngayon.


Ang MOWELFUND ay pinamumunuan ni Boots bilang chairman at Rez Cortez as president. Kabilang din sa Board of Trustees sina Gina Alajar at Boy Vinarao. 


Isa sa mga projects na pinaghahandaan ngayon ay ang pagkakaroon ng sariling clinic ng Mowelfund.


 

BILANG pagkilala sa kanyang ambag at talento, ang Comedy Genius na si Michael V. ay pinarangalan sa ginanap na 75th anniversary ng GMA Network. 

Bukod sa pagiging Mr. Congeniality, isa rin siya sa mga napili na bigyan ng Kapuso Loyalty Award.


Mahigit tatlong dekada nang naging bahagi ng GMA-7 si Michael V.. Ilang shows na rin ang ipinagkatiwala sa kanya.


Ang una at pinakamatagal na show ni Michael V. sa GMA-7 ay ang Bubble Gang na umeere ng mahigit na tatlong dekada na. Pinanonood pa rin ito hanggang ngayon. 

Ang sitcom namang Pepito Manaloto ay 15 years na sa ere at napapanood tuwing Sabado ng gabi.


Nakaatang sa balikat ni Michael V. ang pag-iisip ng mga bagong ideya para sa Pepito Manaloto. Kaya hindi ito pinagsasawaang panoorin ng mga viewers!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page