Vice, todo-alalay daw sa kanya… RYAN, KUMANTA NA KUNG BAKIT ‘DI NATULOY ANG KASAL NILA NG FIANCEE
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | June 8, 2026

Photo: Ryan Bang - IG
“Yes, I’m single,” ito ang inamin ng It’s Showtime (IS) host na si Ryan Bang matapos mapag-usapan ang kanyang current relationship status.
Sa pinakabagong YouTube (YT) vlog ng Unkabogable Star na si Vice Ganda, ibinunyag niyang araw-araw niyang pinupuntahan at kinukumusta ang kanyang ‘anak-anakan’ na si Ryan matapos makansela ang kasal nito kay Paola Huyong.
Saad ni Vice, “Kahit ako, hanggang ngayon, ‘di ko ‘yun ma-imagine kaya awang-awa ako kay Ryan noon. ‘Di ko s’ya maiwan, pupuntahan ko s’ya. ‘Di ko alam kung paano n’ya ito hinaharap kasi ang bigat nito.”
Sa panayam ay tinanong ni Vice si Ryan, “Are you single?”
Saad ni Ryan, “Me? Now? Yes, I’m single.”
Dagdag na tanong ni Vice, “You’ve been single since?”
Saad ni Ryan, “Ako, personally, sa side ko, January.
“Tinry ko, eh. Tinry ko na ayusin kasi alam ko noong panahon na ‘yun, ‘di ko maintindihan kung bakit hindi dapat umabot nang ganito. I was trying, I was hoping, I was praying na maayos.
“S’yempre, sa relationship, meron din akong kasalanan pero I never cheated. ‘Di totoo ‘yung mga sinasabi ng mga tao.
“S’yempre, grateful pa rin ako kasi sobrang bait ng pamilya. Hanggang ngayon, pamilya, lalo na ‘yung magulang n’ya. But I was really fixing it at gusto rin ng pamilya ko na maayos, but we found out na magkaiba pala kami ng kultura. Magkaiba pala ang paniniwala, gawi at thinking, lalo na pagdating sa marriage.”
Sa nasabing panayam, ibinahagi ni Ryan ang kanyang pasasalamat kay Mommy Vice sa pananatili nito sa kanyang tabi sa gitna ng mga pagsubok.
Saad ni Ryan, “Araw-araw pumupunta ang mommy ko. Ang cute ni mommy, ‘Ryan, gusto mo ng puto bumbong?’ Next day, ‘Anak, bibingka.’ Araw-araw. ‘Anak, ano gusto mo? Gusto mo lutuan kita?’ Araw-araw, pumupunta ang mommy ko. Isang buwan.”
Anyway, nakakalungkot na hindi natuloy ang kasal nina Ryan Bang at Paola Huyong pero super-lucky pa rin niya dahil may isa siyang Mommy Vice Ganda.
‘Yun na!
HINIKAYAT ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang publiko na maging mapanuri sa pagpili ng mga lider at huwag basta magpadala sa personal na impresyon o drama.
Giit niya, dapat nakabatay ang pamumuno sa tapat at maayos na pagganap ng tungkulin, hindi sa pagiging mabait lamang.
Saad pa ni Mayor Vico, hindi dapat palampasin ang maling gawain kahit pa ito ay natatabunan ng pagiging popular o pagiging ‘mabait’ sa publiko.
Tama ka riyan, Mayor Vico Sotto!
INI-LAUNCH ng BGYO ang bago nilang EP (extended play) na On Demand, na tumatalakay sa modern love at makabagong paraan ng koneksiyon sa pamamagitan ng musika at digital culture.
Ayon sa grupo, layunin ng EP na ipakita ang mas malaya at mas masayang bahagi ng pag-ibig, gamit ang halu-halong tunog ng Pop, R&B, at Hip-hop sa pitong tracks kabilang ang Fresh, Forever Tonight, Sinta, Mean Girl, Life’s Too Short, Raindrop, at Trono.
Sa track na Forever Tonight, ibinahagi ng BGYO ang mensahe ng pagpapahaba ng masasayang sandali kasama ang minamahal. Isa ito sa mga kantang isinulat nina Mikki at Nate kasama ang international collaborators na nakapagtrabaho rin sa ilang global K-Pop acts.
Magkakaroon ng live EP launch ang BGYO sa SM Mall of Asia (MOA) Music Hall, kung saan itatanghal nila ang mga bagong kanta mula sa album. Libre ang event at bukas sa mga fans sa pamamagitan ng registration sa SM Malls Online app.





Comments