VICE, OKS LANG LAPASTANGANIN NI GLADYS
ni Ambet Nabus @Let's See | January 29, 2024

Nagulantang ang lahat ng mga media friends ni Gladys Reyes nang sa isang bahagi ng mga bumabati sa 20th anniversary nila ni Christopher Roxas at 18th b-day ni Christoph, ay may kung anong pasabog si Claudine Barretto.
Yes, mga Ka-BULGAR, caught in video naming mga nandu'n ang tila maanghang at maintrigang sagot ni Clau kay Gladys.
Pinag-uusapan kasi nila ang supposedly movie project nila na matagal nang plano. Ito 'yung may Judy Ann Santos, Claudine Barretto at Gladys nga. Eh, biglang humirit si Gladys ng, "Si Angelu (de Leon), kasama natin, 'di ba?" habang hinahanap ni Gladys among the guests ang kaibigang konsehala ng Pasig (na nasa katabing table namin, pero biglang nawala nga nu'ng magbibigay na ng greetings ang mga celebrity friends).
May pagka-sarkastiko ba namang sumagot si Clau ng, "Ano ka ba? Walang Angelu. Tayo lang nina Juday. Hindi siya kasama."
At tila tatlong beses pa niyang inulit ang linyahan niya habang natataranta si Gladys sa kung anong isyu at nangyayari, hahahaha!
Sayang, mas maaga kesa sa batian portion umalis si Angelu kasama ang kanyang asawa. Pero in fairness, nag-stay siya nang matagal dahil as early as 7 pm, nandu'n na rin kami at katabing table nga namin sila.
Mga bandang 9 PM na rin kasi nagsimulang tumawag ng mga celebrity guests si Gladys to greet them at ilan nga d'yan sina Meme Vice Ganda, Kuys Vhong Navarro, mag-asawang Patricia Javier at Doc Rob, Gie at Archie Alemania, Wowie de Guzman, Bianca Umali at Ruru Madrid, Bianca Lapuz at Claudine Barretto nga.
Nagmistulang talk show nga ang batian portion dahil kahit ang matagal nang annulled na sina Kuys Vhong at Bianca ay nagtuksuhan nang nakakaloka hinggil sa naging relasyon nila.
Nagpa-sample showdown din sina Vhong, Archie at Wowie ng mga 80's-90's dance moves nila.
Ang saya-saya ng pinagsanib na 20th anniversary nina Gladys at Christopher at 18th birthday ng panganay nilang si Christoph.
Mabuhay!!!





Comments