top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

VICE, NAMAKYAW DAW NG 50 TICKETS NG BTS, BINANATAN SA PAGIGING VIP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Evy Baldago (OJT) @Let's See | june 12, 2026



SPECIAL - VICE, NAMAKYAW DAW NG 50 TICKETS NG BTS, BINANATAN SA PAGIGING VI-IG _teamviceph

Photo: IG _teamviceph



Umingay sa social media ang pangalan ni Vice Ganda matapos kumalat ang screenshots na umano’y nagpareserba siya ng 50 SVIP tickets para sa inaabangang BTS Arirang World Tour na gaganapin sa susunod na taon.


Dahil dito, ilang ARMY at netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya at pinuna ang komedyante sa umano’y hindi patas na pagkuha ng malaking bilang ng tickets.

Ilan sa mga komento:


“‘Di porke’t influencer o artista kayo @praybeytbenjamin, may karapatan na kayo magpa-reserve ng tig-50 SVIP ticket.”


“So, totoo ‘yung kay Vice Ganda? P*tang *na niya, nawalan ako ng respeto sa kanya.”

“Mahiya ka naman Vice Ganda @vicegandako, ang hirap kumuha ng ticket ng BTS, tapos ikaw, 50 tix pa nakuha mo.”


Hindi naman ito pinalagpas ni Vice at agad na nagbigay ng matinding sagot sa X account niya.


“Mas mahiya ka at ang mga kapwa mong mga b*bo na mapagpaniwala sa mga tsismis na pang-tanga! Tama ‘yan! Nawa’y magpuyos ang mga puso n’yo sa galit na likha ng mga maliliit n’yong utak na kayang gag*hin ng fake news!” ani Vice.


Nilinaw din ng TV host na hindi niya alam kung saan nanggaling ang balitang mayroon siyang 50 tickets.


“Sa’n galing ang 50 tix? Aanhin ko ‘yun? 100 ba ang mata at tenga ko kung sakaling manunuod man ako!!! Ni hindi ko nga alam ang sched ko sa araw na ‘yun!” dagdag niya.


Samantala, marami rin ang dumepensa kay Vice, kabilang ang ilang BTS ARMY, at sinabing hindi dapat agad maniwala sa mga kumakalat na impormasyon online lalo na kung wala pang sapat na kumpirmasyon.





ICC, ‘di alam kung nasaang bansa…

BIANCA, MAGANDA LANG DAW, WALANG LAMAN ANG UTAK



UMANI ng iba’t ibang reaksiyon online ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate at aktres na si Bianca De Vera matapos ang guesting niya sa segment na Laro-Laro Pick! ng It’s Showtime noong Miyerkules, June 10.


Kasama ni Bianca ang iba pang dating housemates ng PBB Celebrity Collab bilang contestants at siya ang huling sumabak at umabot sa jackpot round.


Ang tanong sa jackpot round ay kung saang bansa unang umere ang Big Brother. Nagbigay pa ng clue si Vice Ganda at sinabing dito rin matatagpuan ang headquarters ng ICC.


“United States of America at United Kingdom” ang sagot ni Bianca kaya ‘di niya nakuha ang jackpot prize.


Dahil dito, may mga bumatikos sa aktres at kinuwestiyon ang kanyang kaalaman sa mga isyung pampubliko. Maganda lang daw pala ito, pero walang laman ang utak.


Ilan pa sa mga naging komento:


“Iba talaga ‘pag privileged, it’s a common knowledge in our country.”

“Totoo nga yata na performative siya at wala talagang pake sa issues ng bansa kasi mayaman naman.”


Pero meron ding mga fans na agad na nagtanggol kay Bianca.

“Bianca, we are proud of you. You did your best.”


“You are loved, valued and so much bigger than the noise.”


Sa kabila ng mga nag-viral na reaksiyon online, wala pa namang inilalabas na pahayag si Bianca kaugnay sa isyu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page