Vice nagpatutsada kay Nikko

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 9, 2024

Sa bagong episode ng ‘It's Showtime’ sa kanilang segment na ‘EXpecially For You,’ kung saan naging searcher ang aktres at singer na si Rita Daniela ay naging witty ang remarks ng TV host na si Vice Ganda na tila tinutumbok ang Hashtags member at Vivamax actor na si Nikko Natividad.
Sa segment kasi, ilang beses binigyang-diin ni Vice ang kanyang paggamit ng “charot” na matatandaang sinabi ni Nikko sa isa sa kanyang Instagram story.
Sa story ni Nikko kamakailan, may patama itong lalagyan lang daw ng charot sa dulo at lulusot na raw agad ang mga biro na kasunod ng pumutok na isyu patungkol sa isang searchee.
Matatandaang may patutsada si Vice sa latest segment na agad namang na-gets ng madlang pipol. Sey kasi ni Vice, “May charot 'yun sa dulo, para lusot.”
Naging laman tuloy ng usap-usapan ngayon sa social media ang latest episode ng ‘EXpecially For You.’ May ilang netizens din ang nagsabing, “Oh, ayan Nikko ha? May charot sa dulo si Meme, kaya lusot na naman siya.”





Comments