top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Vice, may ganern? IT'S SHOWTIME, PINAPANOOD NA LANG DAHIL SA MGA BATA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | March 21, 2023




Mukhang mauunang magkaroon ng revamp ang It's Showtime kung paniniwalaan natin ang mga chikang magko-cost-cut uli ang noontime show.

Ayon sa ating mga nakausap, kaya hindi umano makapagbigay ng malalaking premyo ang show, eh, dahil sa halos nag-uumapaw na budget sa sandamakmak na hosts.

Kung inyo raw napupuna, halos dalawang big portions na lang ang laman ng show, ang Isip Bata at Tawag ng Tanghalan.

Hindi naman daw ganu'n ka-fabulous ang premyo rito kumpara sa mahigit ₱100K na ipinamimigay araw-araw ng ibang noontime shows.

"At saka nauubos lang ang mahigit 2 hours nila sa daldalan at okrayan. Minsan pa nga, sa opening at batian pa lang nila, mahigit kalahating oras na ang nauubos," komento pa ng mga kausap namin.

Samantala, speaking of Isip Bata segment ng It's Showtime, ito nga raw sa ngayon ang nagsisilbing saving grace ng show.

Minus daw ang mga "prolonged chikahan" na normally pinapangunahan ni Vice Ganda, sobrang inaabangan daw ng mga manonood ang mga bidang bata rito, partikular sina Argus at Kulot.

Kahit kami ay aliw na aliw sa mga batang ito, lalo't madalas nilang nabo-boljak at pasimpleng nababara ang mga main hosts sa mga sagot at paliwanag nila sa mga tanong.

Kahit nga si Vice ay sumusuko sa tikas at talino ng mga bagets.

In fact, mas madalas pa ngang ginagamit na content ng mga TikTok at YouTube users ang mga naturang bagets.

Kung hanggang kailan ito magtatagal, 'yun marahil ang isa sa mga pinag-aaralan na ngayon ng mga nagpapatakbo ng programa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page