Vice Admiral Alan Javier, bagong hepe ng PH Navy

ni BRT @News | November 14, 2026

Photo: Flag Officer-in-Command (FOIC) ng Philippine Navy, - PCO
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vice Admiral Alan Javier bilang bagong Flag Officer-in-Command (FOIC) ng Philippine Navy, kapalit ni Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta na nagretiro sa serbisyo ngayong Biyernes, Nobyembre 13.
Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagsilbi si Javier bilang Commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM), na nangangasiwa sa mga operasyong militar sa kanlurang bahagi ng bansa, kabilang ang Palawan at mga karatig na lugar sa West Philippine Sea.





Comments