Veteran forward Aguilar muling sasabak sa Gilas
- BULGAR
- Feb 16, 2024
- 1 min read
ni VA @Sports | February 16, 2024

Muling lalaro para sa Gilas Pilipinas sa darating na unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa susunod na linggo ang beteranong forward ng Barangay Ginebra sa PBA na si Japeth Aguilar.Ayon kay Gilas Gilas head coach Tim Cone, si Aguilar ay itinalaga niya bilang kapalit ng injured na si AJ Edu. Hindi naman kataka-taka ang desisyon ni Cone dahil noon pa man ay bahagi na ng Gilas si Aguilar mula sa orihinal na Gilas team na hawak pa noon ni coach Rajko Toroman.
Nakapaglaro rin ito sa tatlong edisyon ng FIBA World Cup noong 2014 sa Spain, 2019 sa China at 2023 dito sa Manila.
Kasama rin si Aguilar sa koponang nagwagi ng gold medal noong nakaraang 19th Asian Games. Ngunit nang italaga si Cone bilang mentor ng Nationals, hindi kasama si Aguilar sa 12-man line-up na binuo nito dahil mas pinili niya ang mga nakababatang mga big men na sina June Mar Fajardo, Kai Sotto, Carl Tamayo at Kevin Quiambao.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nagtamo si Edu ng torn meniscus habang naglalaro sa koponan ng Toyama Grouses sa Japan B. League noong Nobyembre kaya nagdesisyon si Cone na muling kunin ang serbisyo ni Aguilar para sa GIlas.
Ngunit inaasahan namang hanggang first window lamang lalaro si Aguilar sa national team dahil babalik na si Edu sa second window na gaganapin sa Abril.








Comments