top of page

Vera, balik aksiyon sa ONE 164; Casimero, mamamakyaw ng Hapon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2022
  • 1 min read

ni G /VA - @Sports | November 6, 2022



ree

Muling sasabak sa aksyon si dating ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera matapos ang 19 na buwang pamamahinga at babalik sa ONE Championship sa Manila.

Nakatakdang sumalang ang 45-anyos na Fil-Am sa ONE 164 sa Dis. 3 sa MOA Arena katapat ang bigating Iranian na si Aliakbari Amir kasunod ng anunsyo ni ONE CEO Chatri Sityodtong.


Matatandaang nabitiwan ni Vera ang ONE heavyweight title noong Mayo 15, 2021 laban kay Arjan Singh Bhullar, kasunod ng pagkabigo kay Aung La N Sang para sana sa dalawang titulo na Light-Heavyweight title para bumagsak sa 16-9 kartada.


Samantala, nakatuon ang pansin ni dating three-division champion John Riel Casimero kay Japanese pound-for-pound star Naoya Inoue sakaling talunin niya si Ryo Akaho sa Dis. 3 sa Paradise City sa Incheon, South Korea.

Dapat sana’y nakalaban ni Casimero, 31-4 na may 21 knockouts bilang propesyonal na boksingero, ang kasalukuyang pound-for-pound no. 2 na si Inoue noong 2020 ngunit ibinasura ang laban dahil sa pandemya ng COVID-19. “Kung manalo ako laban kay Akaho gusto ko si Naoya Inoue ang susunod basta hindi siya tatakbo. Nirerespeto ko si Akaho dahil lalabanan niya ako, hindi siya natatakot,” ani Casimero.

Huling lumaban ang 32-anyos na si Casimero noong Agosto 2021 laban sa dating kampeon na si Guillermo Rigondeaux at nanalo siya via split decision. Sa unang bahagi ng taong ito, ang tubong Ormoc ay tinanggalan ng kanyang WBO world bantamweight title matapos itong mabigo ng dalawang beses na ipagtanggol ito laban kay Paul Butler.

Samantala, huling lumaban si Inoue sa isang unification noong Hunyo nang talunin niya si Nonito Donaire Jr. sa pamamagitan ng knockout.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page