top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Velasco, tinanggalan ng komite at inalis sa pagiging deputy speaker ang mga kaalyado ni Cayetano

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 16, 2020
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 16, 2020



TIGILAN NA NI ROQUE ANG PANGKO-“CONGRATS” SA ‘PINAS SA LABAN KONTRA COVID-19—Dapat tigilan na ni Roque ang hilig niyang mag-“congratulations Philippines” sa laban ng Duterte gov’t. kontra COVID-19, tulad nang pag-congratulate niya nang hindi nangyari ang prediction ng mga UP experts.


Dapat isalpak ni Roque sa kanyang kukute na wala pang “K” ang Duterte gov’t. mag-celebrate sa laban kontra COVID-19 kasi patuloy pang nananalasa sa bansa ang COVID-19, period!

◘◘◘

BENGGADOR PALA SI SPEAKER VELASCO—May pagka-benggador pala si newly-elected Speaker Lord Allan Velasco?


Nang maluklok kasi siya sa poder, tinanggalan niya ng komite at inalis sa pagiging deputy speaker ang mga kaalyadong kongresista ni dating Speaker Alan Cayetano, boom!


◘◘◘


IMBES NA BUKSAN ANG MGA NEGOSYO PARA SA EKONOMIYA, PASUGALAN ANG PINAYAGAN?—Namamayagpag nang husto ang operasyon ng STL (Small-Town Lottery)-con jueteng sa Laguna, Isabela, Ilocos region, Iloilo, Negros Occidental at Oriental Mindoro.


Hay naku, imbes na buksan ang ekonomiya o payagan nang mag-operate ang ibang negosyo, aba, ang tila pinayagan ay ang STL-con-jueteng para sa mga gambling lords, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page