Velasco, nanumpa na bilang House Speaker
- BULGAR

- Nov 10, 2020
- 2 min read
ni Lolet Abania | November 10, 2020

Matapos ang isang buwan na mahalal sa pinakamataas na posisyon sa House of Representatives, nanumpa sa kanyang tungkulin si Speaker Lord Allan Velasco na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kahapon.
Kasabay ng ika-43rd kaarawan ni Velasco, isinagawa ang kanyang oathtaking sa isang seremonya sa Rizal Hall sa Palasyo na dinaluhan ng asawang si Rowena, amang si Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr. at inang si Torrijos Mayor Lorna Velasco.
“I am deeply honored to be sworn in by President Duterte who I admire a lot and have high regard for. He is also one of the persons to whom I am greatly indebted,” pahayag ni Velasco.
Matatandaang noong October 12, may kabuuang 186 lawmakers ang bumoto kay Velasco bilang Speaker na naganap sa isang session sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City. Nanumpa si Velasco sa pangunguna ni Allan Franza, barangay captain ng Matandang Balara.
Nang sumunod na araw, naratipikahan ang nangyaring eleksiyon ng 186 mambabatas sa isang session na isinagawa sa Plenary Hall ng Batasang Pambansa Complex.
Agad na bumaba si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa speakership post matapos maratipikahan ang pagkapanalo ni Velasco.
Una nang nagkasundo ang dalawang mambabatas sa term-sharing deal, kung saan si Cayetano ang uupo bilang Speaker ng 15 buwan at susunod si Velasco sa speakership sa natitirang 21 buwan.
Pinasalamatang muli ni Velasco si Pangulong Duterte sa naging desisyon nito na siguruhing ipapatupad ang term-sharing agreement sa Kamara.
Ipinangako naman ng Speaker na isasagawa niya ang mga legislative agenda ni Pangulong Duterte sa Kongreso.
“I assure the President that he can rely on Congress to help him fulfill his promises to our people before his term ends in 2022,” ani Velasco.
“We will work together in Congress to pass laws that are timely and responsive to the needs of our countrymen and to make the lower chamber truly the House representing the people,” dagdag niya.








Comments