top of page

Leviste, handa ng ilabas ang unofficial ‘Cabral files’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

by Info @News | January 20, 2026



Leandro Legarda Leviste - FB

Photo: Leandro Legarda Leviste - FB



‘Parang okay naman na ilabas ang unofficial na information mula sa files’


Handa na umano si Batangas City 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na ilabas ang unofficial copy ng ‘Cabral files’ kasunod ng pagsasalita ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Enero 19, na tila wala umanong tiyak na petsa kung kailan ilalabas ang authenticated copy nito.


“Hinihintay ko [lang] ang DPWH na magsalita kung ilalabas ba nila [ang Cabral files]. Dahil nagsalita na sila sa hearing kahapon at mukhang walang tiyak na date kung kailan [nila] ilalabas ang opisyal na kopya —- parang okay naman na na ilabas ang unofficial na information mula sa files,” ayon kay Leviste.


Dagdag pa niya, “Ang problema kasi kapag inilabas ‘yung unofficial, sasabihin naman nila na walang kwenta ‘yan dahil hindi na-authenticate ng DPWH. Pero at least, binigyan natin ng chance na sila ang maglabas ng files.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page