Rep. Barzaga, nag-sorry na kay Enrique Razon
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by Info @News | January 20, 2026

Photo: Kiko Barzaga / Circulated / FB
Kinumpirma ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na humingi na ito ng sorry sa tycoon na si Enrique Razon Jr.
Paglilinaw ni Barzaga, tanging mga “personal issues” lamang ito pero tuloy pa rin aniya ang kaso.
"Yes… For the personal issues, but the legal case will still push through,” ani Barzaga sa isang panayam.
Hindi naman na isiniwalat ng kongresista kung ano ang personal nilang isyu ng negosyante.
Matatandaang nagsampa ng kasong cyberlibel si Razon dahil sa mapanirang puri na social media post ni Barzaga na nag-aakusang nanuhol umano ito sa mga mambabatas para suportahan si dating House Speaker Martin Romualdez.








Comments