top of page
Kim Chiu at Lauren Dyogi - KimPau Fanatics page.jpg

Van nahulog sa bangin, drayber dedo, 3 sugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 25, 2026



Ang van na nahulog sa bangin sa Atok, Benguet na ikinasawi ng driver at ikinasugat ng tatlong iba pa. (Mai Ancheta)

Photo: Ang van na nahulog sa bangin sa Atok, Benguet na ikinasawi ng driver at ikinasugat ng tatlong iba pa. (Mai Ancheta)



Patay ang 62-anyos na driver ng van habang tatlong pasahero nito ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa Brgy. Abiang, Atok, Benguet nitong Miyerkules ng umaga.


Batay sa imbestigasyon ng Atok Municipal Police Office, ang van ay patungo sa La Trinidad nang mangyari ang insidente.


Hindi umano natansiya ng driver ang kurbadang bahagi ng kalsada na naging dahilan para mahulog ang minamanehong sasakyan sa bangin na may lalim na sampung metro.

Isinugod ang mga biktima sa ospital, subalit hindi na umabot nang buhay ang driver



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page