top of page
Kim Chiu at Lauren Dyogi - KimPau Fanatics page.jpg

Tunay na ama, Team Lakam… KIM, AMA-AMAHANG SI DIREK LAUREN ANG KASAMA SA KORTE

Writer: BULGAR
BULGAR
49 minutes ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 25, 2026



Kim Chiu at Lauren Dyogi - KimPau Fanatics page

Photo: Circulated



Lantaran na ang pagkakampi-kampihan sa pamilya ni Kim Chiu.

Pagkatapos lumantad ng ama ng aktres na si William Chiu, Sr. sa presinto kung saan naka-detain ang panganay niyang anak at No. 6 Most Wanted ng Quezon City Police District (QCPD) na si Lakambini ‘Lakam’ Chiu, sinamahan ang aktres-TV host ng kanyang ama-amahan sa Star Magic na si Direk Lauren Dyogi.


Kasama ni Kim na dumating sa Quezon City Hall of Justice para sa arraignment ni Lakam si Direk Lauren. 


Umingay tuloy ang usap-usapan na tuluyan nang ‘nahati’ ang pamilya ni Kim dahil sa kasong inihain niya laban kay Lakam.


Habang ang tunay na ama ni Kim ay nakita naman sa video at mga larawan na kasama

si Lakam sa presinto kung saan naka-detain ang kanyang panganay na anak.


Feeling ng mga bashers ni Lakam, mukhang nasa kanya ang suporta ng ama nila ni Kim.

May tsika pa na ang ama raw ng aktres ang naghanap ng halagang kailangan para sa piyansa ni Lakam, habang ang kapatid na lalaki umano nila ay nag-aayos ng mga dokumento sa paglaya nito.


Samantala, kasama naman ni Kim na nagtungo sa Assistant Prosecutor kamakailan ang isa pa niyang kapatid na si Twinkle Chiu at ang brother-in-law ni Kim.

Naging running joke tuloy sa socmed ang ‘Team Kim’ at ‘Team Lakam’.





SUPER successful ang weeklong third anniversary celebration ng premiere destination of top-notch live music entertainment, ang Red Rhino located at the Greenfield District, Mandaluyong City.


Last Saturday, September 19, jam-packed ang Red Rhino kung ang performer ay ang three-time Aliw Awards winner for Best Group Performance in Hotels, Bar and Music Lounges na bandang PROGENY.

Dance-to-the-max ang audience sa performance ng Progeny. At kahit past 11 PM na, ayaw paawat ng crowd, ha?


Special guest sa show ng Progeny sa Red Rhino ang walang kupas na si Gino Padilla.


Ang Progeny Band ay isang sikat na Filipino cover band na kilala sa high-energy live performances na nagdiriwang ng 1980s, 1990s, at New Wave hits.


Four years ago nabuo ang Progeny, headed by ophthalmologist Gilbert de la Cruz from the Asian Hospital at ang kanyang dalawang anak na sina Patrick and David.

Passion talaga ni Dr. Gilbert ang music, kaya talagang naglalaan siya ng time para makapag-show.


“I enjoy performing and it acts as a stress reliever from my medical profession. Maybe my boys also got hooked into music because we all used to sing in the car while listening to the radio,” sabi ni Dr. Gilbert.


Isa rin si Dr. Gilbert sa mga nagmamay-ari ng Red Rhino, na three years ago lang nila itinayo. But prior to Red Rhino, ang singer na si Rannie Raymundo ang nagtayo ng bar niya sa same place, ang Primo.


Sa Biyernes ay ilo-launch ang kanilang first single titled Hanggang sa Muli na gaganapin sa Supersam Parqal.

Congratulations, Progeny!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page