9 bagets, buking sa online threat sa mga iskul

by Jeff Tumbado @News | September 25, 2026

Photo: File / DepEd Gordon Heights National High School - FB
Natukoy na ng mga awtoridad ang mga sangkot sa dalawang insidente ng pananakot sa mga paaralan sa Olongapo City na kumalat sa social media.
Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., tatlong estudyante ng Gordon Heights National High School, edad 14 hanggang 15, at isang estudyante mula Aurora ang natukoy sa unang insidente. Iginiit ng mga sangkot na biro lamang ang ipinakalat nilang banta sa Facebook.
Sa ikalawang insidente, limang kabataan mula Brgy. Sta. Rita, edad 17 hanggang 21, ang natukoy na sangkot. Nakumpirma sa imbestigasyon na wala ring basehan ang banta.
Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang posibleng kaso o aksyon laban sa mga sangkot upang maiwasang maulit ang mga katulad na insidente.





Comments