Bebot, nabagsakan ng puno, dedbol

ni Mai Ancheta @News | September 25, 2026

Photo: File / QCPD
Kamatayan ang inabot ng isang babae habang sugatan ang dalawang lalaki na nakisilong lamang sa ilalim ng puno ng balete makaraang bumagsak ang puno na dumagan sa mga ito sa EDSA corner NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City, kahapon.
Batay sa inisyal na report ng pulisya, kasagsagan ng malakas na ulan na sinabayan ng kulog at kidlat, sumilong ang mga biktima sa ilalim ng puno.
Matapos ang sunod-sunod na kidlat ay bumagsak at nabuwal ang puno na dumagan sa mga sumilong na biktima.
Ang nasawing babaeng biktima ay napag-alamang taga-Caloocan City.





Comments