Validity ng lisensya at rehistro, extended — LTO
- BULGAR

- 12 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | April 17, 2026

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na palalawigin nito nang tatlong buwan ang bisa ng mga driver’s license, conductor’s license, student-driver’s permit, at rehistro ng mga sasakyan na mapapaso simula ngayong Abril.
Layunin nitong mabigyan ng sapat na panahon ang mga motorista at operator upang makapag-renew ng kanilang mga dokumento, lalo na sa gitna ng dagsa ng aplikante sa mga tanggapan ng ahensya.
Saklaw ng extension ang lahat ng lisensya at rehistro na may expiration date sa Abril, kung saan awtomatikong madadagdagan ng tatlong buwan ang kanilang bisa nang hindi na kinakailangang mag-apply para sa extension.




Comments