Valenzuela, walang NCAP

ni Maeng Santos @News | October 5, 2026

Photo: File / Valenzuela highway traffic - CC3 - Valenzuela City Command, Control and Communication Center
Pansamantalang sinuspinde ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang nakatakdang pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa lungsod ngayong araw, October 5.
Ayon kay Mayor Wes, nauunawaan niya ang layunin ng NCAP bagamat sa sitwasyon aniya ngayon ng lungsod ay hindi pa ito tamang panahon dahil sa sunud-sunod na road construction, rehabilitasyon, at pagkukumpuni ng mga pangunahin nilang lansangan.
Dagdag pa niya, uunahin muna nila ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko para sa mga Valenzuelano saka na nila ito ipatutupad hanggang sa susunod na paglalabas nila ng abiso.





Comments