top of page
Search

ni Maeng Santos | April 6, 2023


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Nasawi ang apat na manggagawa sa isang printing office matapos sumiklab ang sunog sa kanilang tanggapan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.


Hindi muna pinangalanan ni Valenzuela Fire Marshal Supt. Ana Mae Legaspi ang apat na kalalakihang namatay nang ma-trap makaraang sumiklab ang sunog sa pinaglilingkurang printing press sa Bgy. Ugong, sa naturang lungsod.


Sa panayam kay FO1 Kim Alnas ng Valenzuela Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-3:57 ng hapon matapos marinig ang isang malakas na pagsabog na sinundan ng mabilis na pagsiklab ng apoy.


Mabilis namang nakapagresponde ang mga bumbero ng Valenzuela BFP, pati na ang ilang fire volunteers kaya agad ding nakontrol ang apoy na umabot sa unang alarma bago tuluyang naapula alas-4:35 ng hapon.


Inaalam pa ni Arson investigator FO2 Paul Fajardo ang dahilan at pinagmulan ng pagsabog at pagsiklab ng apoy na tumupok sa hindi pa batid na halaga ng ari-arian.


Agad namang nagtungo si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, kasama ang opisyal at kawani ng City Social Welfare and Development Office sa pinangyarihan ng sunog, upang makiramay at maghandog ng kaukulang tulong sa naulilang pamilya ng mga nasawi.


 
 

ni Zel Fernandez | May 9, 2022



Sa kasagsagan ng eleksiyon ngayong araw sa buong bansa, magkahiwalay na insidente ng brownout ang kinumpirma ng Valenzuela PIO at Palawan Electric Cooperative.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kuryente sa T. De Leon Elementary School dahil sa transformer problem.


Kaugnay nito, sinubukan umanong gamitin ang mga VCM batteries kasabay ng brownout na nangyari sa General Tiburcio De Leon Elementary School.


Kagyat namang rumesponde ang mga tauhan ng MERALCO at ang City Engineers Office upang ayusin ang insidente ng power interruption na nakaantala sa ginaganap na halalan sa naturang presinto ng Valenzuela.


Samantala, nakaranas din umano ng pagkawala ng kuryente sa mga bayan ng Aborlan, Narra at Puerto Princesa, Palawan ngayong araw ng halalan, simula alas:7:30 ng umaga.


Apektado ng naturang brownout ang Brgy. Malinao hanggang Brgy. Dumangueña at ang Brgy. Jose Rizal sa Aborlan, sakop ng DMCI-Aborlan Recloser hanggang Brgy. Tagbarungis, Puerto Princesa City.


Kasalukuyan nang tinutukoy ng PALECO ang sanhi ng pagkawala ng kuryente sa mga nabanggit na lugar sa Palawan.


 
 

ni Lolet Abania | February 12, 2022



Patay ang 16-anyos na PWD (person with disability) matapos na ma-trap sa nasusunog na vulcanizing shop sa Valenzuela City bago magmadaling-araw ngayong Sabado.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hindi na nakalabas ang PWD na naiwan sa kanyang kuwarto na nasa itaas ng vulcanizing shop sa Barangay Ugong, Valenzuela.


Batay sa nai-post sa Twitter ng Valenzuela City Command, Control and Communication Center, alas-2:50 ng madaling-araw itaas sa unang alarma ang sunog sa nasabing vulcanizing shop.


Nadamay naman sa sunog ang junk shop na katabi lamang ng vulcanizing shop.


Gayunman, alas-3:33 ng madaling-araw idineklara ng BFP na fire under control habang anila, tuluyang naapula ang apoy ng alas-4:19 ng madaling-araw.


Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naging sanhi at halaga ng pinsalang idinulot matapos ang sunog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page