244 dayuhan, tiklo sa POGO

ni Mervin Reyes @News | October 5, 2026

Photo: 244 dayuhan sa POGO, huli - BI
Aabot sa 244 dayuhan, karamihan ay Chinese nationals, ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na operasyon laban sa hinihinalang ilegal na POGO activities sa Zamboanga Sibugay.
Isinagawa ang operasyon noong Oktubre 2 sa Brgy. Kimos, Siay at Brgy. Tandiong Muslim, Alicia, katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa BI, 113 dayuhan ang nahuli sa Siay at 131 sa Alicia. Iniimbestigahan sila dahil sa umano’y pagtatrabaho nang walang kaukulang visa, pagiging undocumented, ilegal na pagpasok sa bansa at pagkakasangkot sa ilegal na online activities na iniuugnay sa POGO.
Narekober din sa operasyon ang 78 computer monitors, humigit-kumulang 3,000 cellphone, laptops at SIM cards na pinaniniwalaang ginagamit sa online scams.
Patuloy ang imbestigasyon, kabilang ang posibleng human trafficking violations, habang maaaring isailalim sa deportation proceedings ang mga nahuling dayuhan.





Comments