top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Valdez, out sa Cool Smashers ng AVC, nagka-dengue fever

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 21, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 21, 2022



Mataas na antas ng volleyball ang masasaksihan ng mga Pinoy sa pagpalo ng 2022 Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City. Haharapin ng host Pilipinas ang hamon ng Vietnam sa tampok na laro ng 7 p.m. matapos ang dalawa pang tiyak na umaatikabong laban.


Binubuo ng mga miyembro ng Creamline Cool Smashers, ang kampeon sa katatapos na Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference, nabunot ang mga Pinay spikers sa Grupo A kung saan makakaharap din nila sa mga susunod na araw ang defending champion Tsina (Agosto 23), Iran (Agosto 24) at Timog Korea (Agosto 25).


Nasa Grupo B ang Japan, Thailand, Chinese-Taipei at Australia. Nabawasan ang grupo sa biglang pag-atras ng Kazakhstan. Bubuksan ng Tsina ang paghanap ng kanilang ika-anim na kampeonato laban sa Timog Korea sa 1:00 ng hapon at susundan agad ng Japan kontra Thailand.


Bago pa lang magsimula ang mga laro ay tumanggap ng masamang balita ang Pilipinas at hindi makakalahok si Alyssa Valdez matapos siyang tamaan ng dengue fever. Sa gitna ng pagkawala ng kanilang best player, aasahan na aangatin ng ibang mga Pinay ang kanilang laro lalo na at gaganapin ito sa harap ng kanilang mga tagahanga.


Nilinaw ni Technical Delegate Dr. Han Joo Eom na iba ang AVC Cup kumpara sa AVC Women’s Championship. Ang AVC Women’s ay ginaganap tuwing ikalawang taon subalit simula ngayon ay lalaruin taon-taon na ang AVC Cup at magsisilbi itong qualifier para sa taunang Volleyball Nations League.


Mahalaga na manalo ang Pilipinas dahil tanging ang kulelat sa Grupo A ang hindi mapapabilang sa knockout quarterfinals sa Agosto 27. Ang semifinals ay sa Agosto 28 at ang championship ay sa Agosto 29.


Ipinagpaliban ang torneo na orihinal na nakatakda dapat ganapin noong 2020.


Nagtapos ang Pilipinas ng ika-9 sa huling natapos na AVC Cup noong 2018 at gagawin ang lahat upang higitan ito.


Mga laro ngayong Linggo – Philsports Arena 1:00 PM Tsina vs. Timog Korea

4:00 PM Japan vs. Thailand; 7:00 PM Vietnam vs. Pilipinas


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page