Valdez, Molina at Gonzaga ng Phl team sa AVC Cup Candon
- BULGAR

- May 27
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | May 27, 2026

Photo: Ang Alas Pilipinas women’s national team kasama ni coach Shaq Delos Santos na sina Alyssa Valdez, Jovelyn Gonzaga, Ces Molina at Nina Ytang sa PSA forum kahapon na sasabak sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup simula Hunyo 6 hanggang 14 sa Candon City, Ilocos Sur. (pscpix)
Walang pangakong nais pang bitiwan ang Alas Pilipinas women’s national team na hangad munang mapalakas at mapatatag ang preparasyon sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup simula Hunyo 6 hanggang 14 sa Candon City, Ilocos Sur.
Unti-unti pa lamang ginugugulan ng atensiyon ang magiging kabuuang koponan sa darating na international tourney na kinabibilangan ng 20-manlalaro, kung saan parte ang mga dating 2019 Southeast Asian Games members na sina 3-time collegiate at pro MVP Alyssa Valdez, Ces Molina at Jovelyn Gonzaga.
Hinahanapan ng paraan para maisaling maigi ang mga programa at diskarte sa 20-women’s team na kakaltasin pa ang bilang sa mismong torneo kontra sa mabibigat na katunggali sa Asian region.
“Ang goal muna is pa'no mapalakas ang team natin,” pahayag ni coach Shaq Delos Santos kahapon sa lingguhang Philippine Sportswriters Association Forum sa Philippine Sports Commission media room. “Right now, pool pa lang ang meron kami,” dagdag ni Delos Santos, kasama sina Valdez, Gonzaga, Molina at Nina Ytang, sa forum ng PSC, Philippine Olympic Committee at MILO.
Kabilang din sa bumubuo ng 20-women pool sina Trisha Tubu, Royse Tubino, at Ara Galang ng Farm Fresh; Tots Carlos, Kyle Negrito, at Kyla Atienza, Alyssa Eroa, Clo Mondoñedo at Thea Gagate at mga collegiate players na sina Lara Mae Silva, Vanessa Sarie at Natalie Estreller, Tin Ubaldo, Jaz Ellarina, at Clarisse Loresco ng FEU, at Lhouriz Tuddao ng Adamson.
Hindi naman maialis ni Valdez ang tawag ng tungkulin pagdating sa national team, na sinigurong patuloy na ibubuhos ang lahat ng kaalaman at kakayahan para sa Alas Pilipinas.
We’re very, very humbled and excited to be part of the national team again and represent the country with pride,” wika ni Valdez, na nakamit ang panibagong kampeonato para sa Creamline sa All-Filipino Conference.





Comments