top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Valdez, balik-ensayo na para sa ASEAN Grandprix

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 8, 2022



Nakabalik na sa pag-eensayo si three-time Premier Volleyball League (PVL) conference best player at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season MVP Alyssa Valdez matapos pagdaanan ang matinding laban kontra Dengue virus noong isang buwan na halos umabot sa delikadong sitwasyon.


Matapos ang ilang linggo ay nakasama na nito ang mga kakampi sa Creamline Cool Smashers-Philippine national team na naghahanda para sa ASEAN Grandprix sa Nakhon Ratchasima sa Thailand, kung saan nakatakdang sumabak ang mga kakampi nito kontra host country, Vietnam at Indonesia simula sa Biyernes.


Subalit malaki ang ipinayat ng 29-anyos na si “The Phenom” ng Ateneo De Manila University Lady Eagles bunga ng mga komplikasyon ng dengue kaya hindi ito nakalaro sa nagdaang Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women kung saan nagtapos sa sixth place ang Cool Smashers.


“She’s Back!” ayon sa Instagram story ni strength and conditioning coach Mark Caron, kung saan nagsalita rito si Valdez na sinabing, “It’s our first break, and Alyssa is dying,” saad nito sabay halakhak habang nagsasanay sa Philsports Arena.


Kahit pa man nagsasanay na ang long-time national team member at team captain, hindi pa rin ito pinapayagan na lumahok sa ASEAN GP ng kanyang mga doctor.


Gayunpaman, makakasama pa rin ito sa biyahe ng koponan patungong Thailand upang magbigay ng motibasyon at inspirasyon sa mga kakamping pangungunahan nina six-time PVL best setter Jia Morado-De Guzman kasama sina back-to-back MVP Diana Mae “Tots” Carlos, Jessica Margarett “Jema” Galanza, Michelle Gumabao, Jeanette Panaga, libero Kyla Atienza, PVL Finals MVP Celine Domingo, Kyle Negrito, Fille Cainglet, Rizza Mandapat, Rose Vargas at ang nagbabalik na si Risa Sato.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page