Utos ni PBBM na stop online sabong wa’ ‘wenta, kasi operasyon sa socmed mas kumalat pa
- BULGAR

- Jun 10, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 10, 2024

UTOS NI PBBM NA PAGPAPA-STOP SA ONLINE SABONG WA’ ‘WENTA, KASI MAS LUMAWAK PA ANG ONLINE SABONG OPERATIONS SA SOCIAL MEDIA -- Nagkalat na naman sa social media ang online sabong. Hay naku, may pautos-utos pa si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa mga otoridad na ipatigil ang operasyon ng online sabong dahil maraming kababayan daw natin ang nalulong sa sugal na ito, iyon pala wa’ ‘wenta ang kanyang utos kasi tuloy pa rin at mas lalo pang lumawak ang operasyon nito sa social media, boom!
XXX
STL-CON JUETENG ‘UNTOUCHABLE’ SA JURISDICTION NI PASIG CITY MAYOR VICO SOTTO -- Sa panahon ni former Pasig City Mayor Bobby Eusebio nag-start ang operasyon ng STL (Small-Town Lottery)-con jueteng ni alyas “Kits” sa lungsod, at nang magwagi bilang alkalde ng Pasig City si Mayor Vico Sotto noong May 2019, inakala ng publiko ay matitigil na ang pangraraket ng gambling lords na ito sa lungsod, ang problem nakakadalawang termino na si Mayor Vico ay hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang raket nito (Kits) sa Pasig City.
Ganyan ka-untouchable umano ang raket na STL-con jueteng ni “Kits” sa Pasig City, period!
XXX
VP AT DEPED SEC. SARA, BINASTOS DAHIL HINDI INIMBITAHAN NG MALACANANG
SA SIGNING NI PBBM SA ‘KABALIKAT SA PAGTUTURO ACT’ --Pambabastos na maituturing ang hindi pag-imbita ng Malacanang kay Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio sa paglagda ni PBBM para maging ganap na batas ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na magbibigay ng dagdag-allowance sa mga public school teacher ng P5,000 hanggang P10,000.
Nasabi nating pambabastos kasi ang mga public school teacher ay nasa ilalim ng pamamahala ni VP Sara bilang kalihim ng DepEd kaya’t dapat kabilang siya sa inimbitahan sa signing ng Presidente sa dagdag-allowance sa mga titser ng bayan. Ang problem, hindi siya (VP Sara) inimbitahan ng Malacanang, tsk!
XXX
HALOS MAG-HYSTERICAL SI HARRY ROQUE SA PAGDADALDAL NA SUSUSPENDIHIN SI MAYOR BASTE, ‘YUN PALA FAKE NEWS ANG KANYANG IDINADALDAL -- Pinabulaanan ni Sec. Benhur Abalos ng Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) ang idinaldal sa publiko ni former Presidential spokesman Harry Roque na kesyo may nakuha raw siyang impormasyon na sususpendihin si Davao City Mayor Baste Duterte dahil sa mga salita ng alkalde laban kay PBBM.
Kita n’yo itong si Roque, halos mag-hysterical sa kadadaldal na sususpendihin daw si Mayor Baste, iyon pala fake news ang idinadaldal niya sa publiko, boom!




Comments