Utos ni P-BBM.. Tulong para kay Lydia De Vega, ibigay — PSC
ni Lolet Abania | July 21, 2022

Iniutos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Sports Commission (PSC) na mag-extend ng assistance sa Philippine sports legend na si Lydia de Vega na patuloy na lumalaban sa kanyang Stage 4 breast cancer.
Ito ang kinumpirma ni PSC executive secretary at officer-in-charge Atty. Guillermo Iroy Jr. sa isang mensahe ngayong Huwebes.
“Yes it’s the direct instruction of the PBBM to extend necessary assistance to Diay (de Vega) and was so sad upon learning the situation of Lydia de Vega,” pahayag ni Iroy sa isang Viber message.
Una nang humingi ng suporta ang pamilya ni De Vega, kung saan ang Philippine Track and Field legend ay anila, “in very critical condition,” dahil sa komplikasyon sanhi ng kanyang breast cancer.
Si De Vega, na kinilala noong araw bilang Asia’s fastest woman, ay isang two-time gold medalist sa Asian Games at tumanggap ng maraming medalya bilang atleta sa iba’t ibang edisyon ng Southeast Asian Games na kanyang sinalihang kompetisyon.
Isa rin si De Vega sa mga flag bearers ng SEA Games Federation flag, kasama ang iba pang Filipino sports legends, noong 2019 edition ng biennial meet na ginanap sa bansa.





Comments