Utos ng Senado... GUO, ARESTUHIN NA
- BULGAR
- Jul 13, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | July 13, 2024

Naglabas ng arrest order ang Senado laban kay suspendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa paulit-ulit na hindi pagdalo sa imbestigasyon ng mataas na kapulungan hinggil sa sinalakay na POGO hub sa kanyang bayan.
Kasama rin sa mga ipinag-utos na arestuhin sina Dennis Lacson Cunanan, Nancy Jimenez Gamo, at ang mga sinasabing kamag-anak ng alkalde na sina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen L. Guo, at Wenyi Lin.
Inilabas ang utos nu'ng Hulyo 11, sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, at inaprubahan ni Senate President Francis Escudero.
Si Guo, na kinilala bilang Guo Hua Ping, ay ipinag-utos na arestuhin at ikulong sa Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ng Senado hanggang sa panahon na siya ay haharap at magpapatotoo sa Komite.





Comments