Utos ng gobyerno sa retailers ng bigas na magtinda nang walang kita, sablay!!!
- BULGAR
- Sep 4, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 4, 2023
WALANG IPINANGAKO SI CHOT REYES NA MANANALO SILA KAYA’T HINDI DAPAT SA KANYA MAGALIT ANG MAJORITY PINOYS, KUNDI SA MGA NANGAKO NG 3-6 MONTHS WALA NG DROGA AT P20 PER KILONG BIGAS -- Walang ipinangako si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes na tatalunin nila ang mga bansang makakalaban nila sa FIBA World Basketball Cup, pero sa kada-talo ng team Philippines ay nakakatikim siya ng pamba-bash sa mayoryang Pinoy.
Sa totoo lang, hindi dapat kay Chot Reyes magpakita ng galit ang majority Pinoy, kundi kina ex-P-Duterte at Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) kasi noong 2016 presidential elections ay nangako si Digong na sa loob ng 3-6 months ay wala ng droga, krimen at corruption sa ‘Pinas, pero hindi ito natupad at noong 2022 presidential elections ay nangako si Bongbong na magiging P20 per kilo ng bigas sa bansa na hindi rin nagkaroon ng katuparan, period!
◘◘◘
MAY PUNTONG MAGALIT ANG MGA RICE RETAILERS KASI INUUTUSAN SILA NG MARCOS ADMIN NA MAGBENTA NG BIGAS NANG PALUGI -- Nagalit ang mga rice retailers sa utos ni P-BBM na ang ibinebenta nilang bigas sa merkado ay gawing P41 per kilo ang pinakamababa at P45 per kilo ang pinakamataas.
May punto talagang magalit ang mga rice retailers kasi higit sa mga presyong ‘yan ang bili nila sa mga rice traders, tapos uutusan sila ng pamahalaan na ibenta ito nang palugi, boom!
◘◘◘
KAPAG ITINIGIL NG RICE RETAILERS ANG PAGBEBENTA NG BIGAS, TIYAK MAGKAKA-RICE SHORTAGE SA ‘PINAS -- Ang banta ng mga rice retailers ay kapag ipinilit ng Marcos admin na ibenta nila sa P41 hanggang P45 per kilo ang bigas, maoobliga raw silang itigil na ang pagbebenta ng bigas kasi nga naman malulugi sila.
Nakupo, kapag ipinilit ng Marcos admin na ibenta nang palugi ng mga rice retailers ang per kilo ng bigas ay baka totohanin ng mga ito na itigil ang pagbebenta ng bigas sa merkado, at kapag nangyari ‘yan, asahan nang magkakaroon ng rice shortage sa ‘Pinas, tsk!
◘◘◘
PARANG SINABIHAN NG DTI ANG MGA RICE RETAILERS NA BINIGYAN NA NGA SILA NG PERMIT MAGNEGOSYO, GUSTO PA KUMITA -- Sabi ni Dept. of Trade and Industry (DTI) Asst. Sec. Agaton Uvero na hindi naman daw malulugi ang mga rice retailers kapag ibinenta ang bigas sa presyong gusto ni P-BBM na P41-P45 per kilo, kaya nga lang daw ay hindi sila (rice retailers) kikita sa ibinebenta nilang bigas.
Kumbaga, parang sinabihan na rin ng DTI official ang mga rice retailers na binigyan na nga sila ng Marcos admin ng permit na magnegosyo, eh ang gusto pa kumita, boom!





Comments