ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 11, 2024
Photo: Ivana Alawi at Mona - YT
Sa true lang, nagulat kami sa pagmumura ni Ivana Alawi sa kanyang latest vlog. Pero at the same time ay naiintindihan naman namin siya dahil ipinagtatanggol lang niya ang kanyang kapatid na si Mona Alawi na mahal na mahal niya.
Sa bagong vlog ni Ivana ay mapapanood ang pagdedetalye niya ng kanyang naging sakit na sanhi ng kanyang pagkakaospital kamakailan.
She revealed na nagkaroon ng tubig ang kanyang tiyan kaya lumaki ito at talagang sobrang hirap ang kanyang inabot. Nagdesisyon siyang ipabutas na ang kanyang tummy para alisin ang tubig at ngayon ay kasalukuyan na siyang nagpapagaling.
Sa dulo ng vlog ay bigla na lang galit na sinabi ni Ivana na, “Sa mga namba-bash kay Mona, mga pu**** i** n’yo!”
Pati si Mona na naroroon din (though hindi siya nakikita sa camera) ay nagulat at maririnig ang sinabi niya na, “Huh?”
Nagpaliwanag naman si Ivana at sey niya, “Hindi kasi, s’ya, imagine n’yo, sa ganu’ng pain (na naranasan niya), sumusuko na ako sa life, eh, mas matindi naman ‘yung pain niya (Mona). Tapos, iba-bash-bash n’yo ‘yung bata.”
Litanya pa niya, “Tang***, may sakit na nga ‘yung tao, tapos gaganu’nin n’yo! Iba-bash n’yo? Get a life! Napakapangit n’yo kasi kaya kayo namba-bash!”
Sinabi rin ni Ivana na siya na lang daw ang i-bash at huwag na ang kapatid niya. Later ay nagpakita na rin sa camera si Mona na napaiyak sa pagtatanggol sa kanya ng kanyang ate.
AMINADO ang newbie actress na si Bianca Tan na wala sa plano niya ang pag-aartista pero nag-try lang daw siya na mag-audition para sa pelikulang Believe It Or Not (BION) under AFA Entertainment and Prime Stream, Inc..
Bago ito ay modelo na siya at product endorser kaya kahit paano ay may ‘taste of showbiz’ na siya. Kaya raw nang makita niya ang promotion ng direktor na si Errol Ropero na nangangailangan nga sila ng artists ay sinubukan niyang mag-audition.
Luckily ay nakuha naman siya as Brenda na isang kontrabida although aniya, hindi ito ang role na in-audition niya.
Natapos na nilang gawin ang pelikula and so far ay na-enjoy naman daw niya ang journey.
Nakausap namin si Bianca kamakailan sa isang pocket presscon para sa naturang pelikula.
Kumusta ang experience niya sa BION?
“During shoot po, magaan naman pong kasama ang lahat ng co-actors ko. Pati sina direk po, mababait sila. Tinuturuan nila ako kung paano i-deliver ang role ko,” aniya.
May pagkakahawig si Bianca kay Heart Evangelista at marami nga rin ang nagsasabi sa kanya nito. Flattered naman ang newbie star dahil idol daw niya ang aktres.
Pero aniya, mas maganda raw sa kanya si Heart.
Sa mga aktor, ang paborito raw niya ay sina Alden Richards at Paulo Avelino.
Sa BION ay ginagampanan ni Bianca ang role na salbaheng bully kaya natanong siya kung sino ba ang aktres na gusto niyang i-bully or masampal.
“Si Andrea Brillantes po. Parang bully din kasi s’ya sa mga roles niya, so feeling ko po, marami akong matututunan from her. Pero hindi naman po sampalin,” natatawa niyang sabi.
Kasalukuyang nag-iikot at ipinapalabas ang BION sa mga eskuwelahan nationwide.
Kasama rin sa movie sina Potchi Angeles, Shira Tweg, Dwayne Garcia, Daffne Louise, Niño Vergara, Jared Miguel, Duna Duncan, Niño Vergara, Christian Villanueva, Christa Jocson, Jhassy Busran, Artan Akthar at marami pang iba.
Comments