top of page
BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallys

Utol ni Toni, nagsalita na… ALEX, BUNTIS DAW KAYA ATAT MAGPAKASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 19, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 19, 2021




Dahil sa ilang comments ng mga netizens kay Alex Gonzaga na sinasabing buntis na kaya nag-apurang makasal sa nobyong si Mikee Morada, agad na nagbigay-linaw ang bagong bride.


Noon kasing Pasko ay may naglabasang photos ni Alex na mukhang nakasuot ng maternity dress at medyo may baby bump. Kaya, marami ang nag-isip na buntis na siya.


Paliwanag naman ni Alex, may panahon daw na mukha siyang bloated lalo na kapag siya ay constipated, so inakala ng marami na buntis na siya kaya napaaga ang kanilang pagpapakasal ni Lipa City Councilor Mikee Morada.


For sure, hindi naman idedenay at itatago ni Alex kung totoo mang buntis na siya. Ikatutuwa pa nga niya ito dahil gusto na niyang ma-experience ang pagkakaroon ng baby na aalagaan.


Hindi na rin naman tumutol ang parents ni Alex nang magpaalam na sila ni Mikee na magpapakasal na, tutal ay nakamit na ni Alex ang mga bagay na pinangarap niya noon.


At maging sa kanyang career ay masasabing successful na rin naman siya at nagkaroon ng sariling identity. Hindi na siya nakikisakay lang sa popularidad ng kanyang Ate Toni. At nagawa rin niyang maging isa sa top vloggers na may mahigit P9 M subscribers sa YouTube.


Malaki ang kinikita ni Alex sa YouTube. Kahit na hindi na siya madalas na lumabas sa TV, sikat na sikat pa rin siya at mabentang product endorser!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page