Utol ni Anne, naunahan pa ang ibang aktres… JASMINE, BAGONG LEADING LADY NI PIOLO
- BULGAR

- Oct 21, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 21, 2020

Hindi nababakante si Jasmine Curtis-Smith sa telebisyon man at pelikula. Napanood sila ni Alden Richards sa I Can See You: Love On The Balcony at sa October 26, mapapanood naman siya at mga kasama sa Descendants of the Sun sa pagbabalik ng action/drama series ng GMA-7.
Sunud-sunod din ang mga movies ng Kapuso actress dahil sa November 15, magpi-premiere sa Netflix ang movie nila ni Enchong Dee na Alter Me. Sa direction ni RC delos Reyes, sa Asia lang ii-stream ang nasabing pelikula.
Sa kasunod na pelikulang gagawin ni Jasmine, ang Real Life Fiction, ay si Piolo Pascual na ang kasama niya at sa direction ni Paul Soriano. Co-produced ito ng Ten17 Productions ni Director Paul at ng Viva Films.
Ang daming naunahan na aktres ni Jasmine na gustong makasama sa pelikula si Piolo, pero siya ang sinuwerte. Iba talaga kapag magaling na artista, hindi nawawalan ng proyekto.





Comments