top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Utol, malalim daw ang pananampalataya kaya dedma na lang… ROMMEL, SOBRANG HURT ‘PAG TINATAWAG NA B*BO SI SEN. ROBIN

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 17, 2026



Rommel Padilla - Ogie Diaz Vlog - YT

Photo: Rommel Padilla - Ogie Diaz Vlog - YT



Nagbahagi ng saloobin ang aktor na si Rommel Padilla sa patuloy na pamba-bash sa kanyang nakababatang kapatid na si Sen. Robin Padilla sa social media.

Napag-usapan nila ito ng talent manager-aktor na si Ogie Diaz sa YouTube (YT) channel nito.


Ani Rommel, masakit para sa kanya na makita ang mga pambabatikos kay Robin, lalo na dahil kilalang-kilala niya ang tunay na ugali ng kapatid.


“Ako, ang sagot ko, eh, kayo na ang matatalino, ‘di ba? ‘Yung taong gumagawa ng maganda, laging ang tinitingnan, ‘yung kamalian o laging lalagyan ng kapangitan ‘yung kagandahang ginagawa ng tao,” aniya.


Aminado rin si Rommel na ilang beses na siyang nasaktan at naiyak dahil sa mga natatanggap na masasakit na salita ng kanyang kapatid.


“Ako, sumasama ang loob ko. Madalas, naluluha na nga ako n’yan. S’yempre, nakababatang kapatid ko ‘yan, kilala ko ‘yan, kung ano ang totoong ugali. Tapos, makakarinig ka ng mga ganu’n, oh, my God! Tapos, kung mura-murahin, solid! Diretso, walang pigil!” ani Rommel.


Ibinahagi rin ni Rommel na sa kanilang pamilya, ang kanilang ina lamang ang nakasanayan nilang may karapatang pagalitan o murahin sila.


“Sa amin, ang may lisensiya lang magmura sa amin, ‘yung nanay namin. Kinasanayan namin ‘yun. Eh, parang almusal namin ‘yan, tanghalian, hapunan,” aniya.


Ngunit iba umano ang epekto sa kanya kapag ang mga masasakit na salita ay nanggagaling sa mga taong hindi naman nila personal na kakilala.


“Pero ‘yung manggagaling sa ‘di mo naman kakilala, eh, kung mura-murahin ‘tong kapatid ko, tapos may kasamang paghahamon, eh, du’n ako medyo naiiyak,” dagdag niya.


Nalulungkot din si Rommel dahil pakiramdam niya ay may ilang tao umanong ginagamit ang pambabastos kay Sen. Robin para kumita.


“Nakakalungkot dahil sa papaanong paraan mo ipagtatanggol ‘yung kapatid mo na sinisiraan sa social media. Eh, para silang gremlins din na parami nang parami. Kasi eto, nakakalungkot du’n, pinagkakakitaan na nila, eh, ‘yung pambabastos kay Robin. D’yan ako naluluha na,” ani Rommel.


Tinanong naman ni Ogie kung ano ang nararamdaman ni Sen. Robin sa kabila ng matinding pamba-bash na natatanggap nito.


Ayon kay Rommel, malaking bagay para sa kanyang kapatid ang malalim nitong pananampalataya dahil kung hindi, baka magkaroon ito ng depresyon. 

Pinuri rin ni Rommel ang galing sa pakikipagkapwa-tao ni Sen. Robin.


“Pagdating sa pakikipagkapwa-tao, wala nang ibang champion sa ‘kin kundi si Robin. Naging inspirasyon ko nga s’ya pagdating du’n sa pag-abot ng kamay kasi sa kanya ako naniniwala na ‘pag tumulong ka, sigurado ang Panginoong Diyos na tutulungan ka,” dagdag niya.


Sa huli, tinanong ni Ogie kung ano ang pinakamabigat na pamba-bash kay Robin na hindi niya makakalimutan at nais niyang linawin. 


Ayon kay Rommel, ang pagtawag kay Robin na ‘b*bo’ at pagsasabing wala itong karapatang maging senador.


“Kasi sa sarili ko, wala akong nakikitang kab*bohan sa ginagawa ni Binoy. At naniniwala ako na walang b*bo sa mundo. ‘Yung salitang ‘b*bo,’ ‘di talaga dapat sinasabi sa kapwa kasi may kani-kanya tayong likas na kaalaman bawat isa,” ani Rommel.


Well, big tumpak ka riyan, Rommel. Nakilala rin ni yours truly si Sen. Robin at masasabi kong champion talaga siya pagdating sa pakikisama.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page