top of page

Utak sa 'missing sabungeros', mapera, mabigat na kalaban — Remulla

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni BRT @News | June 27, 2025



Boying Remulla - Taal FB Circulated

Photo File: Boying Remulla FB / Taal / Circulated


Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mabigat ang magiging kalaban sa kaso ng 'missing sabungeros' dahil sa mapera umano ang posibleng utak sa krimen na kayang umabot ang impluwensiya sa korte.


“Ang bigat ng kalaban dito kasi ang pera n'yan makakapasok ‘yan hanggang even sa judiciary. That’s one thing that we might have to talk to the Chief Justice about,” ani Remulla sa isang ambush interview.


“Kasi mabigat. Mabigat ang pera ng e-sabong. Hindi ito basta-basta,” dagdag pa niya.

Samantala, tumanggi muna si Remulla na pangalanan ang posibleng utak dahil patuloy pa umano ang kanilang case build up.


"Pinag-aaralan pa namin ang maraming bagay at nagke-case build up pa rin kami. Hindi kami tumitigil kasi mahirap magsalang ng kaso na hindi buo, so binubuo pa namin ang lahat ng detalye ng kaso," ayon sa kalihim sa hiwalay na pahayag.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page