top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Utah, Bulls, Celtics at Spurs, humalimaw

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 13, 2022





Malaking papel ang ginampanan ni kabayan Jordan Clarkson para sa 114-99 panalo ng Utah Jazz kontra Orlando Magic sa NBA game kahapon sa Vivint Arena.


Dominado ng Utah ang laro sa 24 puntos ni All-Star Donovan Mitchell. Sinundan ni Clarkson ng 18 puntos at tinuldukan ng free throws. Hindi muna ipinalaro ang bagong lipat na si James Harden sa Philadelphia 76ers subalit sapat ang kanilang lakas upang mapatahimik ang bisitang Oklahoma City Thunder, 100-87.


Halimaw pa rin si All-Star Joel Embiid at nagtala ng 25 puntos at 19 rebound at sinundan ni Tyrese Maxey sa 24 puntos. Umatake ang Chicago Bulls sa 4th quarter upang masugpo ang Minnesota Timberwolves, 134-122.


Namuno sa Bulls si All-Star DeMar DeRozan sa 35 puntos habang may 26 si Nikola Vucevic.


Walang personalan at trabaho lang para kay gwardiya Caris LeVert ng Cavs at bumanat ng walo ng kanyang 22 puntos sa 4th quarter kontra sa dating koponan Pacers na ibinigay siya kapalit ni Ricky Rubio noong Pebrero 7. Gumawa rin ng 22 puntos si Jarrett Allen habang hindi naglaro si All-Star Darius Garland dahil masakit ang likod.


Uminit ang Boston Celtics at idinagdag ang Denver Nuggets sa listahan ng pitong tinalo, 108-102. Nagtulungan si All-Star Jayson Tatum na may 24 puntos at Marcus Smart na may 22.


Nahanap ng Charlotte Hornets ang shooting at pinarusahan ang kulelat na Detroit Pistons, 141-119, upang mabawi ang karangalan bilang pinakamatinding opensa sa liga at mas mahalaga ay winakasan ang anim na magkasunod na talo. Nagpasikat si All-Star LaMelo Ball sa 31 puntos at triple double si Terry Rozier na 25 puntos, 10 rebound at 11 assist.


Sa ibang laro, nagpamalas ng pormang All-Star si Dejounte Murray at nagbagsak ng triple double na 32 puntos, 10 rebound at 15 assist sa 136-121 ng San Antonio Spurs sa Atlanta Hawks. Nasapawan ni Murray ang kapwa All-Star na si Trae Young na nagtala ng 18 puntos at 11 assist.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page