UST Tigresses, pinatikman ng unang talo ang DLSU
- BULGAR
- Apr 3, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | April 3, 2023

Humalimaw sa puntusan si Ejiya “Eya” Laure para sa University of Santo Tomas Golden Tigresses upang siguraduhing magkakaroon ng nakasanayang Final Four pagtuntong ng semifinals matapos ibigay sa nangungunang De La Salle University Lady Spikers ang unang pagkatalo sa pamamagitan ng 25-19, 14-25, 25-18, 25-12, habang giniba ng Far Eastern University Lady Tamaraws ang depensa ng bokyang UE Lady Warriors mula sa 25-16, 18-25, 25-23, 25-16 Linggo ng hapon sa second round ng eliminasyon ng 85th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Bumuhos ang senior team captain ng Espana-based lady squad ng kabuuang 29 puntos sa lahat ng atake na may 45% attack efficiency upang atakehin at butasin ang depensa ng Lady Spikers na mayroong kabuuang anim na blocks lamang upang maihatid sa unang pagkabigo sa sampung laro, habang sinolido ng Golden Tigresses ang pwesto sa solo third place sa 7-3 kartada.

“Ang usapan lang namin basta okay lang magkamali pero kailangan bumawi, yun lang palagi, at saka wag lang mag-relax, tandaan lang mabuti kung ano yung pinunta namin dito, yun ay ang manalo as a team,” pahayag ng 24-anyos na outside spiker na nakakuha ng suporta mula kay Filipino-Italian Milena Alessandrini sa 20 puntos mula sa 17 atake at tatlong blocks, kasama ang siyam excellent receptions, gayundin si rookie Regina Jurado na may 12pts at 12 digs.
Subalit, hindi lamang ang mainit na opensiba ang ipinamalasa ng UST, kundi ang kanilang malupit na floor defense sa mga matutulis na atake ng Lady Spikers, matapos na sumalo ito ng kabuuang 53-of-152 digs na karamihang sinalo ni libero Bernadett Pepito sa kabuuang 25 digs, kasama ang 11 excellent receptions, habang namahagi naman si rookie playmaker Cass Carballo ng 18 excellent sets.








Comments