UST champ sa 1st crown, Letran, 3rd sa Super League
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 27, 2026

Photo: Lumipad para sa mapuwersang pag-atake si Grace Borromeo ng College of Saint Benilde na hindi mapigilan sa depensa ng katunggaling si Denise Bron ng University of Santo Tomas sa maaksyong tagpo ng winner-take-all finals sa Shakey's Super League National Invitationals Championship sa FilOil EcoOil Centre San Juan City kagabi. (Reymundo Nillama)
Nasungkit ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang kauna-unahang korona sa Shakey’s Collegiate National Invitationals mula sa matinding tambalan nina team captain Regina Jurado Angge Poyos at rookie Kim Rubin sa fourth set 22-25, 25-8, 25-12, 25-22 kontra sa De La Salle-College of Saint Benilde Lady Blazers, habang kumarga ng malulupit na atake sa fourth set ang NCAA champion na Letran Lady Knights upang pataubin ang Australian guest team Southern Storm Melbourne tungo sa 25-21, 18-25, 25-17, 25-23, panalo para sa bronze medal finish ng bigating double-header ng 2026 edisyon kagabi sa Playtime FilOil Arena sa San Juan City.
Naisakatuparan ng Golden Tigresses ang pambihirang pangwawalis sa torneo ng Shakey’s matapos mapagwagian ng mga batang koponan na Junior Tigresses ang Shakey’s Girls Volleyball Invitational League Rising Stars Cup. Kumarga ang Cebuana opposite hitter na si Jurado ng 21 puntos sinundan ito ni Poyos sa 20 puntos habang humambalos ang 19-anyos na rookie na si Rubin sa 12 puntos at Blessing Unekwe sa 10 marka.
“Grateful lang din kase binigay ni Lord yung win na ito kahit na everyday ‘yung games namin at medyo mabigat talaga sa katawan so, very thankful din sa mga teammates dahil talagang tyinaga namin up until the end,” pahayag ng 23-anyos na wing spiker na madadala ang nakuhang kampeonato sa mga susunod na torneo.
Samantala, nagpamalas ng katatagan ng loob ang reigning NCAA titlist sa sa fourth set upang mapigilan ang palabang Aussies na tinapos ng crosscourt kill ni Judiel Nitura para selyuhan ang panalo ng Letran.





Comments