UST binalibag ang Nuns, finalist na vs. Bacolod
- BULGAR

- 6 days ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | May 1, 2026

Photo: Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) / Shakey's Super League
Napatalsik ng University of Santo Tomas Junior Golden Tigresses ang defending champion National University Lady Bullpups sa kanilang trono sa pamamagitan ng dikdikang aksyon na nagtapos sa 25-22, 19-25, 17-25, 25-19, 15-11 para harapin ang Bacolod Tay Tung sa winner-take-all finals nang walisin ang Far Eastern University-Diliman sa 25-22, 25-13, 25-23 kahapon sa Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 Final Four La Salle Green Hills Gym.
Nabitbit ng Junior Golden Tigresses ang momentum mula sa fourth-set panalo upang mapuwersa ang deciding set, kaakibat ang 7-1 atake sa fifth frame, upang maamoy ang sarap ng tagumpay sa come-from-behind panalo para gulatin ang Lady Bullpups sa pambihirang tagumpay sa unang final appearance.
Matapos mapatalsik ng maaga sa huling dalawang edisyon, nakatakdang harapin ng UST ang last season runner-ups na Tay Tung na madaling dinispatsa ang FEU-Diliman sa hiwalay na semifinal match sa pinakamalaking grassroots volleyball league na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Potato Corner, at R and B Milk Tea. Bumida para sa Junior Tigresses si Kimberly Rubin sa 20 points, na sinundan ni Patricia Mendoza sa 12 marka.




Comments