UST at Southern Phls U bumida sa SSL Nat'l Invt'ls
ni Clyde Mariano @Sports | July 13, 2024

Tinalo ng UST ang Socsargen, 25-17, 25-18, 28-30, 25-14 at pinayuko ng University of Southern Philippines ang Lyceum of the Philippine University, 3-1, 25-19, 17-25, 25-23, 25-19, sa 2024 Shakey’s League Invitational Volleyball Women sa Ninoy Aquino Stadium.
Kinontrol ng Tigresses ang mga taga-SOCSARGEN sa mainit na opensiba nina Altea Margaret, Abegail Sinson at middle blocker Huyno Kaizah at iposte ang impresibong panalo sa koponan na taga- Mindanao.
Umiskor si Margaret ng 17 points at 3 blocks, Sinson 14 at Kaizah 11 sa UST na nagtala ng 103 total points. Umiskor si Janelle Chilo Maignos ng 16 points sa losing stand ng Socsargen na binubuo ng mga manlalaro galing sa South Cotabato, General Santos City at Saranggani.
Lumaban ang Lyceum at kinuha ang second set for 1-1 all sa pinagsanib puwersa nina Roxie de la Cruz, Joann de Guzman at Vanessa Martin. Subalit nabigo ang Lady Pirates para mapanatili ang laro at bumigay sa huli at inangkin ng Cebu-based squad ang panalo kung saan umiskor si Ressel Pedroza 15 points at si Day Hanica Mejos 11 markers.
Ang Lyceum ay kasama sa tatlong koponan sa NCAA kasama ang reigning champion College of Saint Benilde at Letran. Labing dalawang koponan minus defending champion La Salle ang kalahok sa weeklong competition.
Ang ibang National University, Taguig based Enderun, University of Batangas, Cagayan de Oro-based Xavier University at Cebu-based University of San Carlos at ang San Jose Recoletos.





Comments