top of page

Uso ang palitan ng slogan at logo, ang name ng Pilipinas, palitan na rin kaya ng Maharlika?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 15, 2023


BAKA ISANG ARAW MABULAGA NA LANG TAYONG LAHAT NA MAHARLIKA NA ANG NAME NG BANSA, HINDI NA PILIPINAS -- Usung-uso ngayon sa Pilipinas na ang mga logo at slogan ng mga ahensya ng gobyerno ay pinapalitan.


Kaya’t ang tanong: Pati kaya pangalan ng ating bansa, ang Pilipinas ay palitan na ng pangalang “Maharlika”?


Noon kasi na ang ama pa ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., na si yumaong ex-Pres. Ferdinand E. Marcos ang lider ng ating bansa, ay plinano niyang palitan ng pangalang “Maharlika” ang Pilipinas noong 1978, kaya lang hindi ito nagkaroon ng katuparan. At noong February 2019 ay inanunsyo noon ni ex-P-Duterte na pabor siyang “Maharlika” na ang ipangalan sa Pilipinas.


At dahil nauuso na sa Philippines na palitan ang mga slogan at logo ng mga ahensya ng gobyerno, huwag nang magtaka kung isang araw ay mabulaga na lang tayong lahat na “Maharlika” na ang pangalan ng ating bansa, at hindi na Pilipinas, abangan!


◘◘◘


HINDI MAKATAONG MMDA, BUWAGIN NA! -- Nagbabala si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na papatawan nila ng P500 multa ang sinumang mahuhuli nilang rider na sisilong sa mga overpass kapag bumuhos ang ulan o kapag sa panahon na mainit ang panahon.


Dapat talaga buwagin na itong MMDA kasi sa totoo lang, ang mga polisiya nito ay hindi makatao, kasi mas gugustuhin nilang mabasa ng ulan at magkasakit o kaya ay ma-heat stroke ang mga riders, tsk!


◘◘◘



P98-B DELAYED PROJECTS NG DPWH, MGA PORK BARREL PROJECTS KAYA ITO NG MGA SEN. AT CONG? -- Wala isa man sa mga senador o kongresista ang kumuwestyon o nagsulong ng imbestigasyon sa ibinulgar ng Commission on Audit (COA) noong July 8, 2023 na 2,395 projects ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) na pinondohan ng pamahalaan ng higit P98 billion noong 2019 o sa panahon ni ex-P-Duterte ang delayed at meron ding mga hindi nai-implement o hindi itinuloy ang paggawa.


Kaya’t ang tanong: Hindi kaya ‘yang mga na-delay o hindi na-implement na mga DPWH project na ‘yan ay mga pork barrel projects ng mga senador at kongresista?


Kung babalikan natin ang mainit na isyung nabulgar noong year 2013 patungkol sa pork barrel scam ni Janet Napoles ay ganyang-ganyan 'yun, na ang pork barrel projects ng mga senador at kongresista noon ay mga na-delay at hindi inimplement, kasi ang malaking bahagi ng pondo ay in-scam ng mga buwayang senator at cong. noon, period!


◘◘◘


KOTONG NG MGA BUWAYA SA MARINA SA MGA MANGINGISDA -- May nasagap tayong impormasyon na ilang buwayang tauhan daw ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang nanghihingi ng monthly payola sa mga mangingisda, at ang sinuman daw na hindi magbibigay ay peperhuwisyuhin, hindi bibigyan ng permit ang mga fishing vessels at bangka na gamit nila sa pangingisda.


Kung totoo ito, aba’y kaawa-awa naman ang mga mangingisdang Pinoy, kasi hina-harass na sila ng China, kinokotongan pa sila ng mga buwaya sa MARINA, tsk!


תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page