top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Usapin sa taas-sahod, dapat pag-aralang mabuti

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2023
  • 1 min read

@Editorial | May 12, 2023


Hindi sang-ayon ang grupo ng manggagawa sa isinusulong ng Senado na P150 across the board na dagdag-sahod.


Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP), labis na maaapektuhan dito ang mga negosyante na nasa informal sector at mga micro, small and medium enterprises kapag isinulong ang minimum wage increase.


Sa ngayon, batid naman natin na nakaka-survive lamang ang maliliit na establisimyento sa kada araw kaya marapat na pag-aralang mabuti ang nasabing panukalang dagdag-suweldo.


Maaapektuhan din dito ang presyo ng mga produkto dahil ipapatong ng mga negosyante sa kanilang produkto ang idadagdag na pasahod sa kanilang empleyado.


Ang pinakamasaklap na senaryo ay ang mapilitan ang maliliit na negosyo na magbawas ng empleyado o tuluyan nang magsara.


Sa ngayon, ang isa sa posibleng paraan upang matugunan ang taas-sahod ay ang pagbubukas ng mga dagdag na oportunidad sa mga manggagawa.


Palawakin pa ang mga programa na hindi lang cash assistance ang ibinibigay kundi dagdag na mapagkakakitaan.


Taglay na ng mga manggagawa ang mga katangian para umasenso sa buhay, sadyang kapos lang sa pagkakataon para ito ay magamit, at ‘yan ay mangyayari lamang sa tulong ng gobyerno at mga nasa pribadong sektor na medyo nakakaangat-angat sa negosyo na handang umalalay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page