Usapin sa PUV modernization, bigyan ng magandang direksyon
- BULGAR
- Nov 17, 2023
- 1 min read
@Editorial | November 17, 2023
May nakaamba na namang tigil-pasada sa darating na Lunes, November 20 na ikinasa ng grupong PISTON.
Ito ay bilang pagtutol ng mga tsuper sa itinakdang deadline para sa franchise consolidation application ng public utility vehicle modernization project sa Disyembre 31.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng LTFRB na makikipagtulungan sila sa iba’t ibang ahensya para paghandaan ang libreng sakay sa mga komyuter na maaapektuhan ng tigil-pasada.
Nauunawaan naman natin ang hinaing ng mga drayber at operator na sadyang hirap na makasunod sa modernisasyong hangad ng gobyerno, ngunit hindi maikakaila na naaapektuhan din ang mga komyuter.
Sana, magkaroon ng simpatya ang pamahalaan sa sektor ng transportasyon dahil hindi rin natin sila masisisi dahil sila ang higit na mas naapektuhan noong panahon ng pandemya at sila rin ang huling nakabangon. Una rin nilang nararamdaman ang bigat ng sunud-sunod na taas-presyo ng petrolyo.
Hiling natin na maging maayos na ang lahat at maglatag ng mas magandang plano upang hindi maapektuhan ang transportasyon, publiko at ang pag-unlad ng ating ekonomiya.



Comments